Katulad ng inaasahan, naging madalas na ang pagbisita ni August sa restaurant. Hindi pa kami nag-uusap ng seryoso simula noong huling punta niya sa bahay dahil nawawalan kami ng pagkakataon. Madalas siyang kausapin ni Mama at wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan nila. Minsan naman ay si Alessio ang kausap niya. Hindi naman tensyonado ang usapan nila pero alam kong seryoso palagi ang pinag-uusapan. "Kleya, did you call the supplier? Paubos na ang supplies natin. Bakit hindi mo inaayos ang purchasing?" Alessio complained. Kakalabas lang nito mula sa storage room at nakakunot ang noo sa akin. "Oh? I thought we have enough?" Alessio looked at me with disbelief. "Are you serious? I told you last time to check it! Made-delay tayo kapag ganyan ka! The stocks will only last today!" re

