"Ipakilala mo na ako sa Mama mo.." Pagrereklamo ni August. Naglilinis ako ng buong pwesto ng gagawin kong restaurant. Nakabuntot lang si August na walang ibang ginawa kundi ang magreklamo sa akin. It's Sunday today at isang linggo na ang nakalipas nang maging effective ang resignation ko. Marami na rin ang nangyari pagkatapos ng isang buwan. Nakahanap ako ng pwesto ng restaurant na narentahan ko sa mababang halaga. Nakapag-hire na rin ako ng ilang crew at kitchen assistant. "Bakit ka ba nagmamadaling ipakilala kita sa nanay ko?" Iritado kong tugon. "Paabot nga ng walis! Bakit ka ba nagpunta dito tapos magrereklamo ka lang sa akin!" Reklamo ko habang tinititigan siya ng masama. "I just want to meet your mom!" "Bakit, gusto ka bang makita ng nanay ko? Tsaka bakit ba andito ka na naman? W

