"Bakit sa'yo ako sasabay?!" Iritado kong tanong nang makita kong nakaparada ang sasakyan ni August sa tapat ng building. I was waiting for the van na service pagpunta namin sa Calatagan. Dito sa tapat ng building ang usapan namin. "Can you just be grateful na hinintay kita?! You're 30 minutes late!" Singhal ni August sa akin. Nakasandal ito sa sasakyan. He's wearing a white shirt and board shorts. Napansin ko kung gaano kabagay sa kanya ang suot. Pero hindi! Ayokong sumabay sa kanya! Ang plano ko ay sa service ako sasakay! "Anong 30 minutes late?! 6am ang usapan! It's just 5:30!" I exclaimed. "Stupid woman! Hindi mo ba nabasa ang text sa'yo? They adjusted the time because of the traffic. Hindi ka ba nagbabasa?" Iritado niyang sabi. I searched for my phone at nakita kong hindi ko pala

