"Healing Doesn't Mean The Damage Never Existed. It Means The Damage No Longer Controls Our Lives." . . ............ ............. ............. ............ . . Pinagbuksan ako agad ng pinto ng aking body guard pagkahinto palang ng aking sasakyan, napakunot noo ako ng makita kung humahangos ang isang staff ko palapit sakin kaya napataas kilay ako. Tumayo ako ng diretso paglabas ko ng sasakyan upang hintayin siyang magsalita. Simula ng mabawi ko sa mga Thompson ang dalawang hotel na pag-aari ng mga De Marco naging matatag ako. Naging bato ang puso ko sa tigas at walang pwedeng bumali ng anu mang ipinag-uutos ko. At wala akung awang nagpaparusa sa sino mang nagkakasala sakin. Ito ang bunga ng mga pinagdaan ko sa kamay ng isang halimaw. Matigas, walang awa. "Good morning ma'am." un

