Chapter 4

2358 Words
"Love Has It's Own Color, Share It With Someone Before It Fades Away." . . . ...... ...... ...... ...... ...... ...... . . Maaga akong nagising, bumangon na ako dahil ito ang unang araw ni Hammer na papasok sa opisina niya simula ng ikasal kami. Gusto kung gampanan ang tungkulin ng isang asawa pero ayaw naman niyang nilalapitan ko siya, nagagalit din siya pag kinakausap ko. Gusto ko man siyang ipagluto para makakain siya bago pumasok sa opisina niya pero wala naman iluluto ni kape nga wala kami, anong iluluto ko para pakainin siya. Kahit wala naman akung mai-offer sa kanya kailangan ko parin lumabas ng kwarto ko. Baka sakaling may magawa din ako. Kinakabahan akung binuksa ang pinto ng kwarto ko at lumabas pababa ng hagdanan. Dumiretso ako sa kitchen pero hindi ko siya nakita wala din siya sa living room. Kaya nagpalakad-lakad nalang ako dito sa sala para hintayin siyang bumaba. "Hi! Good morning." Bati ko sa kanya ng makita ko siyang pababa na ng hagdanan. Napaka gwapo niya sa suot niyang three piece business attire niya. Amoy na amoy ko ang after shave na ginamit niya at ang pabago niyang gustong gusto ko ang amoy, lalaking lalaki ang dating. Dala niya ang suite case niya. Ito ang unang araw na mapagsisilbihan ko siya, alam kung mas madami na siyang trabaho ngayon dahil inako na din niya ang pag-handle sa mga hotel na pag-aari ng mga magulang ko bilang legal ko daw na asawa may karapatan na daw itong pangasiwaan ang mga negosyo namin ayun pa kila Papa. "Ako na magaayus ng necktie mo." Presinta ko dahil nakita kong hindi pa nakaayus mabuti ng necktie niya. "Huwag mo nga akung pakialam, lumayas ka nga sa tabi ko." Asik niya sa akin. Pero nilapitan ko parin siya at hindi pinansin ang pagsusungit niya. "Tulungan na kita dyan sa necktie mo marunong akong magkabit niyan." Aniko at hinila ko na ang necktie niya pero bigla nalang niya akung tinabig ng malakas kaya napa atras ako. "Sabi ko sayo lumayo ka sakin at huwag na huwag mo akung lalapitan. Lunes na lunes sinisira mo ang araw ko." sigaw niya sa mukha ko. "Bwesit! Napakahirap mong umintindi." Dagdag pa niya, at malalaki ang hakbang na tinalikuran ako palabas ng bahay namin. Tinanaw ko nalang ang bulto ng katawan ng aking asawa na mabilis lumabas ng pinto ng aming tahanan. Tanging amoy lang niya ang naiwan sa akin na tinangay ng hangin. Dahan dahan akung naglakad pasunod sa kanya para ihatid siya ng tanaw dahil ito lang ang pwede kung gawin na hindi siya magagalit, ang pagmasdan siya sa malayo. Nangmakita ko siyang sumakay na ng kotse niya palabas ng gate namin. Bumalik nalang ako sa loob ng bahay kakain muna ako bago ko simulang mag-ayus ng bahay. Mag-isa nalang ako dito, nakakabingi rin ang katahimikan wala man lang radyong pwedeng pakingan. Nagsaing nalang ako sa maliit na kaldero. Pagkakain ko mag-uumpisa nakung maglinis ng buong kabahayan upang malibang nalang ako. Malaki naman ang bahay namin kaya lang wala naman masyadong laman at ang mga gamit hindi angkop sa laki ng bahay namin. Mukhang pinaglumaan lahat. Marahil sa dati pang may ari ng bahay itong mga gamit. Kaya naman namin bumili ng bago pero ayaw ng asawa kong may nagagamit ako, ayaw niyang makatikim ako ng ginhawa. Hapon na ng matapos akung maglinis ng bahay. Kaya lumabas nalang akong ng bahay para makasagap ng sariwang hangin. Dahil nakakapagod din maglinis, maglampaso gamit ang timba at basahang pangkuskos sa sahig na tiles. Nilibut ko ang labas ng bahay na ngayon ko lang nagawa dahil di numero ang bawat galaw ko pagnandito sa bahay si Hammer. Inikot ko ang paligid ng bahay namin, maraming mga halaman pero hindi naman nakaayun. Mukhang dati ng halaman kaya yung iba natabunan na ng mga lupa. May mga basag din mga paso. Hindi rin pantay ang pagkakatambak ng mga lupa. May mga kahoy din pinag-gamitan ng mga pintor na iniwan nalang kung saan-saan. Nagkalat din ang mga pinag-gamitan ng mga laborer, may mga lata at plastic din nagkalat. Inisa-isa kung ayusin ang mga halaman upang may mapag-libangan naman ako. Dahil wala naman ako pwedeng makausap bawal akung lumabas ng bahay ayaw ko naman suwayin ang asawa ko at baka magalit nanaman siya. At siguradong sasaktan na naman niya ako. Padilim na ang kapaligiran pero wala pa sa kalahati ang nagagawa ko. Maluwang ang buong bakuran lalo na sa likod ng bahay na parang may nakapormang gagawin swimming pool. Pinatag at nilinis ko palang ang kabilang panig ng bakuran. Ito nalang ang gagawing kung libangan pang wala si Hammer. Mag-alaga ng mga halaman. May mga nakalawit din mga sanga ng bugambilia ng kabit bahay sa bakod kaya plano kung putulin nalang yun bukas at itanim sa plastic cup na naipon ko. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at pumasok na sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina pagpasok ko ng bahay para uminun ng tubig atska ko palang naramdam ang pagod kaya naupo ako sa high stool para makapagpahinga dahil gusto ko ng maligo, malagkit na ang buong katawan ko dahil sa pawis na natuyo at mga lupang dumikit sa aking balat. Matapos akung makaligo bumalik na ako sa kusina para maluto ng kanin alam ko naman hindi kakain dito si Hammer. Kaya bali wala din kung hintayin ko pa siya para makisabay na kumain sa kanya. Alas diyes na ng gabi pero wala parin si Hammer kanina pa ako palakad-lakad dito, hinihintay ang pagdating niya. Wala naman kasi kahit maliit na tv dito sa sala tanging sala set lang at dalawang cabinet ang meron. Wala man lang mapaglibangan. Kaya nahiga nalang ako para hintayin sa pag-uwi ang asawa ko. Naalimpungatan akung napalikwas ng bangon na muntikan ko pang ikinahulog dahil sa kitid ng hinigaan ko. Ng lingonin ko ang wall clock 4:06 na ng umaga nakatulog na pala ako sa kahihintay sa asawa ko. "Anong oras kaya siya nakauwi" bulong ko sa hangin at nagmamadali na akung dumungaw sa bintana para tingnan ang kotse niya kung dumating naba siya. Hindi ko man lang namalayang dumating na siya ni hindi ako ginising. "Lumayas ka nga sa tabi ko, at huwag na huwag kang makalapit lapit sa akin." Bulyaw niya sa akin. Gusto ko lang naman kumustahin ang trabaho niya pero singhal at sampal ang tinutungon niya sa bawat lapit at kausap ko sa kanya. Wala naman kasi akong pwedeng kausapin maliban sa kanya dahil siya lang naman ang taong nakikita ko dito. Matuling lumipas ang mga araw, linggo, buwan. Anim na buwan na kaming nagsasama ng asawa ko. Pero wala paring pagbabago mas lumala pa nga ngayon madalas may mga pasa ako sa katawan at braso. Dahil sa pananakit niya ng walang batayan. Tanging kasalanan ko lang ay ang paglapit ko sa kanya at pagkinakausap ko siya. Pero latay sa katawan ang kabayaran ng mga iyon. Ayaw niyang kinakausap ko siya. Ayaw din niyang nilalapit ko siya. Kaya nauuwi sa pananakit niya sa akin pag nagpipilit akung lapitan at kausapin siya, wala naman masama sa ginagawa at sinasabi ko, gusto ko lang siyang kausapin at baka sa ganuon paraan matutunan niya akung mahalin kahit kunti. Dahil asawa ko siya hindi ako susuko kahit anung mangyari dito lang ako sa tabi niya at patuloy ko siyang mamahalin at pagsisilbihan. "Hammer pwede bang dumalaw ako kila Mama miss ko na kasi sila. Matagal ko na silang hindi makikita." pakiusap ko sa kanya. "Hindi ba sinabi kung bawal kang lumabas ng bahay huh? Gaano ba kahirap intindihin ang mga sinasabi ko. Stupida!" sigaw niya sakin at akmang tatalikuran na ako. "Sige na please sandali lan..." Napabiling ang mukha ko a isang malakas na sampal na pumutol sa mga sasabihin ko. "At bakit ba ipinipilit mong makita ang magulang mo huh? Dahil ba isusumbong mo ako kung paano kita tratuhin dito? Na hindi kita pinakakain ng maayus gauon ba huh?" asik niya sakin habang mariin niyang pisil ang aking panga. "Hhmm." taging pagdaing lang nagawa ko dahil hindi ako makapagsalita sa ginagawa niya. Pabalya niya akung binitawan. At iniwan. Tanging pagluha nalang nagawa ko. Ito ba ang pinangarap kung lalaki na makasama habang buhay. "Ganito ba ang magiging buhay ko sa piling ng pinakamamahal kung asawa." piping bulong ko habang lumuluha. ..............Flashback............ . . Pinagmamasda ko lang sila Papa at Mama andito kami sa hardin dahil dito gustong-gusto nila Mama na magmiryenda kami. Maraming halaman dito na alaga nila pareho silang mahilig sa halaman. Tuwing araw ng linggo kumpleto kami ito daw ang araw para sa pamilya sabi nila. Perfect couple sila hindi ko man lang sila nakita nag-away. Minsan-minsan nakikita kung nagtatampo si Mama pero agad-agad din sinusuyo ni Papa. Kaya biglang pumasok sa isip ko ang family friends namin ang Thompson family na laging nagpupunta dito sa bahay namin tulad nila Papa perfect couple din sila kaya nangarap akung tulad nila ang maging pamilya ko. Ang maging isang mabuting asawa para magkaroon ako ng buo at masayang pamilya tulad nila. Gusto ko rin ng may masayang pamilya. "Mama gusto ko pagnag asawa ako tulad din ni Papa isang mabait at responsableng ama at asawa." ani ko kila Mama. Kaya natawa naman sila. "Bakit anak may boyfriend kana ba? Bakit hindi mo siya dinadala dito sa bahay para makilala namin siya." tanong sakin nila Mama. Kaya natawa nalang ako. "Oh sinong may boyfriend?" ani ng isang tinig mula sa likuran namin. Kaya mapalingon kami. "Hi! Tito, Tita." Bati ko sa bagong dating at tumayo, yumakap at humalik ako sa kanila. "Halikayo maupo kayo. Saan ba kayo galing na mag-asawa?" palimulang bati naman ni Mama matapos silang mag-beso ng mga kaibigan nila. "Wala dito lang talaga ang punta namin." sagot naman ni Tito Luis. "Sinong may boyfriend ang pinag-uusap n'yo?" tanong naman ni Tita Ester. "Wala po Tita. Alam naman niyo kung sino ang gusto ko di ba?" nakasimagot kung turan sa kanila. "Total nasa wastong gulang na si Arabella bakit hindi nalang natin ituloy 'yung mga napag-usapan natin. Ipakasal na natin ang mga anak natin." diklara ni Tita Ester na ikinataba agad ng puso ko dahil bata palang ako siya na ang pangarap kung maging asawa. "Wala din naman matinong girlfriend si Hammer kung sinu-sino nalang idene-date niya. Lalo na ng siya na ang naging CEO mas dumami pa ang mga babaing nakapaligid sa kanya. Nag-aalala ako sa batang yung baka makabuntis yun sa kung sino lang na babae." litaniya pa ni Tita. "Kumusta naman si Harold? Wala pa bang nakikitang ka-match sa mata niya?" pagiiba naman ni Papa ng usapan. "Ayun sanay na sanay na siyang gumala sa loob ng bahay ilang taon narin siya ganuon. Ayaw pa din niyang lumabas ng bahay at wala naman daw siyang nakikita." aniya kita ko ang lungkot sa mukha ni Tita habang nagkukuwento siya tungkol kay Harold. Ilan taon na din bulag si Harold dahil sa isang aksidente. Simula noon naging malulunkotin na ito. Ayaw na din niyang tumanggap ng bisita. "Payag kana bang ipakasal kana namin kay Hammer Arabella? Gusto ko ng magka-apo. Baka hindi ko na makita ang mga apo ko sa inyo kung patatagalin niyo pa. Alam naman niyo ang kondesyon ko." Saad niya. Hindi ko alam kung nag-uutos ba o nakikiusap si Tita sa mga tinuran niya. "Huh" tanging namutawi sa mga labi ko. But deep inside nag-uumapaw ang galak sa puso ko. Kaya liningon ko sila Papa. "Sa palagay mo ba papayag si Hammer sa mga gusto natin" Tanong nalang ni Papa. Alam nilang si Hammer ang pangarap kung maging asawa at makasama habang buhay. "Huwag kayung mag-alala kami na bahala kay Hammer para matigil na din yun sa pambabae niya. Matanda na din siya. Twenty eight na siya dapat lang na mag-asawa na siya lalo ngayon, siya na ang CEO." pahayag naman ni Tito. "Kailan mo ba gustong idaus ang inyong kasal Arabella? Sa darating na linggo mamamanhikan na kami." Agad na sabad ni Tita kaya nanglaki ang mga mata ko dahil mukhang mapapaaga yata ang kasal namin ng lalaking minamahal ko. "Kayo na po ang bahala Tita kung kailan n'yo gusto ready po ako. Kung gusto n'yo kahit next month na." pabiro kung tugon pero para pala sa kanina seryoso yun. "Ok next month ikakasal na kayo. Kaya maghanda kana." diklara agad ni Tita Ester. Kaya nabigla din ako na ganuon kabilis. .........End of the Flashback....... . . Isang malakas na pagsara ng pinto ang gumulantang sakin kaya nabalik ako sa kasalukuyan. Hindi parin ako mawawalang ng pag-asang magbabago si Hammer. Kilala ko na siya simula palang pagkabata namin mabait siya kahit may pagka suplado. Tahimik at mapagmasid sa paligid, lagi din niya ako binibiro nuon mga bata pa kami. Pero habang tumatagal lumalayo siya sa akin. Lumabas nalang ako ng bahay at tinungo ko ang mga halaman kung inaalagang nag-uumpisa na silang dumami. Malalago na sila, maging ang jade plant ko maganda ang sibol. May mga dwarf palmera din ako, may dumb cane din na nagsisimula ng lumago ang magaganda at malalapad niyang dahon, maging ang mga rubber tree ko. May mga bulaklak nadin yun iba ko pang halaman. Sila naman ang tanging kasama ko pag ganito. Nakakaaliw silang pagmasdan.Ang mga halaman ko din ang kinakausap ko. Buti nalang walang nakakakita saking ibang tao dahil baka mapagkamalan pa nila akung nasisiraan ng bait. Dahil mahal na mahal ko siya kaya kung mag-tiis bilang legal na asawa niya. Ang importante nakikita ko siya araw-araw. Titiisin ko ang mga parusa niya na nagmamarka saking balat. Na kalaunay kumukupas din naman. Pero ang masama, kumukupas man may kapalit naman agad na bago, kaya hindi na yata ako nawalan ng marka ng parusa niya saking katawan. Mas nadagdag pa nga ang bilang kung nooy tatlo apat lang, ngayon may sampu na yata o higit pa ang naiiwan marka sa bawat pagparusa niya sakin. Sana makaya ng katawan kung tiisin lahat. Sana dumating din ang araw na magbago siya at matutunan niya akung mahalin kahit kunti lang o kahit respetuhin man lang niya ako bilang babae. . . . . . ......................................................... ..please follow my account and ..add my stories in your library. ..........."Lady Lhee".......... ...thanksguys....loveu....lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD