"Don't Love Too Deeply
Until You're Sure That The
Other Person Loves You
With The Same Depth.
Because The Depth Of Your
Love Today Is The Depth
Of Your Wound Tomorrow."
.
.
.
............ ............ ........... ...........
.
.
Lumilipas ang mga araw pero hindi ang mga parusa sakin ng asawa ko at ng babae niya. Ginawa na nila akung alipin nila ng tuluyan. Hindi ko alam kung magbabago pa ba ang asawa ko. Sa ngayon alam kung nahuhumaling siya sa babae niya at lahat ng luho nito'y ibinibigay niya.
Minsan hindi sila umuuwi ng bahay ng ilang araw. Minsan naman yung babae lang niya ang wala ng ilang araw kaya kung minsan natatahimik ang mundo ko. Pero hindi rin ako mapalagay dito sa bahay dahil nag-aalala din ako sa asawa ko pag hindi siya umuuwi sa gabi.
Matapos akung maglinis ng buong bahay. Nagsaing na ako ng kanin na tanging pagkain ko sa araw araw kaya minsanan na kung magsaing ako. Hanggang gabi ko na ito.
Habang kumain ako ng pananghalian ay nakarinig ako ng pagbukas ng gate kaya napatayo ako upang silipin sana sa bintana kung sino ang nagbukas.
"Saan mo dinala ang napakalaking halaga ng perang ito huh? Malandi ka saan? Saan mo dinala yan? Kanino mo ibinigay yan? Sinong lalaki mong pinagbigyan mo niyan? At bakit ka nagkautang ng ganyang kalaki?" Sigaw niya agad pagpasok palang niya ng pinto ng bahay. At sunod sunod na sampal at suntok ang ibinigay niya sakin na ikinabuwal ko sa tiles na sahig. "Hindi ba sabi ko sayo hindi ka dapat humawak ng mga card bakit mo kinuha? Bakit mo ninakaw sa lalagyan ko?" dagdag pa niya at pinagsisipa nanaman niya ako.
"Paano kung kukunin yun ni hindi ko nga alam kung saan mo inilagay. Hindi naman ako pumapasok sa kwarto mo." aniko habang makapasaldak parin ako sa sahig at umuiiyak dahil masakit ang mga suntok niya at sipa.
"Malaman ko lang kung anung ginagawa mo papatayin na talaga kita peste ka. Salot ka sa buhay ko." sigaw pa niyang nanggagalaiti sa galit. Nagpawala pa siya ng isang suntok na nailagan ko kaya tumama sa balikat ko kung hindi baka sa ulo ko tumama.
"Wala akung alam d'yan hindi ba't kinuha mo sakin ang cards ko. Hindi rin ako lumalabas ng bahay. Bakit nakita mo bang may bago akung gamit. Hindi ba't yung kabit mo ang puro bago at mamahalin pa ang mga gamit niya." sigaw ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko ng makita ko ang mga statement of account ng mga credit card ko. Narinig kung sunod sunod siyang napamura. Nagmartsa siya paakyat patungo sa kwarto niya.
Umabot ng mahigit 5M ang dapat kung bayaran sa credit card ko na hindi ko naman nahahawakan simula ng kinuha niya sakin yun. Sa loob ng tatlong buwan nakapaglabas ng mga items na ganoong kalaking halaga. Mga branded na bags at shoes mga alahas at mga mamahaling damit. Kaya maging ako nalulula sa laki ng perang babayaran. Hindi ko naranasan gumastos ng ganito kalaking halaga sa walang kwentang bagay. One hundred thousand nga lang nanghihinayang na ako million pa kaya.
Kung gaano siya kabilis dumating ganoon din siya kabilis lumisan ng bahay. Naiwan akung nakasalampak parin dito sa sahig masakit ang katawan ko. Putok nanaman ang nguso ko. May blackeye din ako. Hirap akung tumayo, kaya bahagya kung minamasahe ang mga braso, at mga hita kung tinamaan ng mga sipa at tadyak niya. Malademonyo siya pagnagagalit sakin. Wala siyang awa. Hindi man lang siya nakokonsensiya sa ginagawa niya sa akin.
Muli kung binasa ang papel galing bangko napakalaking halaga talaga ang nakalagay na bayarin. Hindi ko talaga lubos maisip na ganito kalaking halaga ng mga mamahalin luho ng katawan ang nakalagay sa hawak kung papel. Hindi kasi sila ang naghihirap magtrabaho kaya bali wala lang sa kanilang kung gumastos man sila ng malaki. Makapagpasikat lang sa mga kaibigan at kakilala. Bakit kailangan mong ipagpasikat kung hindi mo naman pinaghirapan ang pinambili mo.
Hindi ko nga alam kung ilang araw ng hindi umuuwi ang babae niya dito sa bahay at pag-umuwi naman nagmamaldita na akala mo kung sinong reyna. Pero mas gusto kong huwag na siyang umuwi dito sa bahay. Nakakasira lang siya ng buhay namin ng asawa ko.
Ilang araw na din hindi umuuwi si Hammer simula ng isidenteng yun malamang magkasama naman sila ng babae niya. Masakit sa isang asawa na ang asawa moy may kasamang ibang babae na mas pinapahalagahan pa niya kaysa sayo na legal niyang asawa. Mas binibigyan pa niya ng pabor kaysa sayo. Ang mas masakit pa na sumasampal sakin ang katotohan na mahal niya ito at hindi ikaw na asawa niya.
Bawat gabing dumarating umaasa akung uuwi siya sakin kahit alam kung hindi naman siya sakin dahil pagmamay-ari siya ng iba. Sa iba niya ibinibigay ang sarili niya at buong atensyon niya. Iba ang pinuproteksyonan niya at hindi ako na legal wife niya. Nadudurog ang puso ko sa bawat minutong nakikita silang masayang magkasama. Samantala akong asawa ang naghihirap. Mahal ko ang aking asawa at lahat ng paraan gagawin ko para matutunan din niya akung mahalin. Pero paano kung gagawin 'yun kung merong siyang kinahihibangan iba.
Hindi man ngayon alam kung darating ang araw na magigising siyang malilinawan ang lahat at matutunan din niya akung mahalin kahit kunti lang na pagmamahal ang isukli niya sakin ayus na ang importante lang ang magkasama kami ng walang ibang hahadlan samin at nagiging masaya din ang aming pamilya. Bubuo kami ng mga pangarap para sa magiging mga anak namin na makakasama namin sa aming pagtanda. Kaya araw-araw akung nanalangin sa poong may kapal na mabuo ang aking pamilya hindi man ngayon sana dumating din araw na yun.
"Hammer kahit pinahihirapan mo ako at sinasaktan hindi parin nagbabago ang pagmamahal ko sayo andito ka parin nakautik sa saking puso." kausap ko sa kawalan na para bang nasa harapan ko lang siya at naririnig niya ako. Kahit alam kung bingi at bulag siya pagdating sa akin, gusto ko parin sabihin sa kanyan mahal na mahal ko siya. At sana magising na siya sa katotohanan.
Kahit alam kung hindi uuwi ang aking asawa hinihintay ko parin siya kung uuwi pa ba siya. Nag-aalala din ako sa kanya kung nasaan naba siya. Kumain naba siya. Kadalasan dito na ako nakakatulog sa maliit na couch sa living room namin sa kahihintay sa kanya. Ilang araw na siyang hindi umuuwi.
Ganito nalang ako dito sa bahay paglabas ng kwarto ko naglilinis ng bahay. Inuna kung linisin ang kusina nilalampaso ko ang sahig na tiles. Nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa ang asawa ko hawak-hawak nito ang cellphone niya. Mukhang may ka-text pa siya. Pumasok ito ng kusina at kumuha ng bottle water sa fridge kita ko rin naupo sa high chair sa may counter. Pag ring ng cellphone niya agad din niyang sinagot.
"Yeah...yeah.. Ok.. Just wait for me.. Mag shower lang ako sandali.." Kausap ng asawa ko sa kabilang linya ng cellphone niya. Nakita ko rin binitiwan niya ang cellphone at nagmamadaling umakyat sa hagdanan papuntang kwarto niya.
Nakita ko pang may ilaw ang telepono niya kaya sinundot yun ng daliri ko para hindi mag-lock agad saka ako lumayo at yumoko ilang sigundo pa malalaki ang hakbang kung nilapitan uli at sinundot ko uli ang cellphone niya. Dahil nadinig kung maliligo daw siya hindi nagtagal kinuha ko na ang cellphone niya. Nanginginig ang mga kamay kung kinalikot ang telepono niya para mag-text.
Apurang-apora akung nag-type ng mga letra sa cellphone niya. At matapos kung mai-send ang text message ko. Dali dali ko rin binura ang history nito bago pa isinauli sa kinapapatungan nito. At nagmamadali din akong nagpunta sa salas upang maglampaso ng sahig. Maya-maya pa humahangos na siyang bumaba ng hagdan at mabilis din lumabas ng pinto matapos niyang damputin ang cellphone niya. Kaya nakahinga ako ng maluwag.
Kung minsan mas gustong kung wala sila dahil walang nanakit sa akin physically pero hinahanap ko naman siya pag hindi ko nakikita, nag-aalala din ako kung anung nangyayari sa kanya sa labas. Bali-baliktarin man kasi ang mundo ako pa rin ang asawa niya, pero wala akung karapatang sa kanya at bawal din angkinin bilang asawa.
Habang abala akung nagtatanim ng mga halaman ko ng may marinig akung nagbukas ng gate at di nagtagal pumasok ang isang sasakyan gusto ko man salubungin siya pero hindi ko magawa dahil kasama nanaman niya ang babae niya. Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita silang masayang magkasama. Kaya hindi ko nanaman mapigil ang aking mga luhang naglandas saking pisngi. Kailan ba ako masasanay sa mga ginagawa ng asawa ko.
Napagbubuhatan man siya ng mabibigat na kamay ni Hammer masaya naman ang puso niyang nakikita at kasama ito sa iisang bubong kahit hindi siya ang katabi nito.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mga ito sa nanglalabong mga mata dahil sa luha. Kitang kita niya kung paaanong alalay ito ng asawa niya habang pababa ng sasakyan hanggang makapasok sa loob ng bahay nila.
Tulad ng dati para nanaman may gera sa loob ng bahay nila. Kung utus-utasan siya ng asawa niya at ng babae nito na parang siyang alila. Na hindi parin niya matanggap.
"Inday linisin mo na ang kitchen at ipaghain mo na kami nagugutom na ang amo mo." Sigaw sa kanya ni Lavena. Habang nagwawalis siya sa likod bahay. "Ano ba dalian mo" sigaw ulit nito sa kanya ng hindi niya ito pinanasin.
"Babe ano ba yang chimay mo hindi mautusan ni ayaw akung sundin. Sabi ko sayo palayasin na natin yan at palitan nalang ng iba." Reklamo niya kay Hammer ng pumasok ito sa kusina.
"Ako na bahala relax ka lang d'yan Babe. Pupuntahan ko." anito at mabilis ng lumabas ng bahay.
"Hindi ba sabi ko sayo sundin mo lahat ng inuutos ni ma'am Lavena mo bakit ba ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi ka ba nakakaintindi ng isang salita." Bulyaw niya akin.
"Bakit Hammer huh bakit mo ako ginaganito alam mo kung sino ako? Hindi ako alila dito baka nga mas mayaman pa ako d'yan sa higad mong kabit." paghahamon niya dito. "Baka pagdating ng araw pagsisihan mong lahat ng ginagawa mong ito sa akin. Kung gusto niyong kumain, kumain kayo ni hindi mo nga ako binibigyan ng makakain tapos kung makapagutos ka kasama pa yang kabit mo akala niyo kayo kung sino." angil pa niya dito.
"Bagay lang sayung alilain dahil mukha ka naman talagang alila. Bagay din sayung huwag pakain para mamatay ka sa gutom ng wala ng sagabal sa buhay ko." sigaw na nito sa kanya.
"Bakit gusto mo akung mamatay para makamkam mong lahat ng meron ako at ibigay dyan sa kabit mo huh. Lahat ng meron ako kinuha mo ng lahat. Pinagpapasasaan mong lahat ng para sakin. Ganid ka Hammer yan ang sabihin mo." balik sigaw ko din sa kanya, pero isang suntok sa sikmura ko ang ibinigay niya sakin. Kaya napaupo ako sa lupa halos hirap din akung huminga.
"Yan lang ang kaya mong gawin sakin dahil alam mong hindi kita kayang labanan. Nagagalit ka at ayaw mong aminin ang katotohang ganid ka." sigaw ko sa kanya sa nahihirapang paghinga. Kaya pinagsisipa niya ako. Wala akung magawa kung hindi umiyak.
"Wala kang kwentang malandi ka. Habang buhay kang pagdurusa rito. At huwag kang umasang magbabago pa ang trato ko sayo. Bagay lang sayong maging alipin." angil niya sakin tsaka niya ako tinalikuran at iniwan habang akoy hirap na hirap nanaman dahil sa mga sipa at tadyak niya. Hirap akung makatayo kaya hinayaan ko lang nakasalampak ako dito sa lupa.
May isang oras yata akung nakapaupo lang sa lupa masakit pa kasi ang mga hita at binti ko sa pananakit sa akin ni Hammer. Hindi na nga siya magbabago lalo pa siyang sumasama ngayon.
Tulad nga ng dati may mga araw na hindi sila dito umuuwi ng babae niya. Hindi ko naman alam kung saan sila tumutuloy kung may sarili na ba silang bahay o sa mansyon ng mga Thomson sila umuuwi. Sana lang kung pwede akung lumabas di sana alam ko kung anung nangyayari sa labas.
.
.
.
.
.........................................................
...please follow my account and
...add my stories in your library.
.........."Lady Lhee"..........
...thanksguys.....loveu....lrs...