"Nothing Hurts More that
Realizing He Meant Everything
To You, But You Meant
NothingTo Him."
.
.
.
............ ............ ............ ..........
.
.
"Hoy! Inday maghugas ka nga dito." sigaw ng babae ng asawa ko pagpasok ko palang sa bahay. Katabi niya si Hammer pero dirediretso lang ako sa hagdanan paakyat sa kwarto ko. Ni hindi ko sila nilingon. Kung makapagutos akala mo kung sino.
"Ano ba 'yang katulong mo napakatamad kahit kailan hindi ko nautusan. Pinasusuweldo mo pero wala namang matinong ginagawa. Palayasin mo na yan palitan mo nalang ng iba. Ayaw ko sa kanya Babe mukhang gusto ka pa niyang landiin." dinig ko pang reklamo ng babae ng asawa ko. Gusto ko pa sanang makinig sa kanila pero hindi ko na kaya. Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nahiga gusto ko man maligo na pero hindi ko pa kaya. Lalo na at wala pa akung tulog. Sinong nagsabing pinasusuweldo nila ako, ni hindi nga ako nakakahawak na ng pera simula ng mag-asawa ako.
Ilang malalakas na pagbayo sakin pinto ang nagpagising sakin kaya pupungas-pungas akung bumangon at tinungo ang pinto para buksan.
"Ano ka...." isang malakas na sampal ang bumungad sakin pagbukas ko palang ng pinto na pumutol sa sabihin ko. Nag-init ang aking pisngi dahil sa lakas ng pagkakasampal ng asawa ko nalasahan ko pa ang malansang likido mula sa pumutok na labi ko.
"Ano bang sinabi ko sayo hindi ba sabi ko pagsibihan mo kami ng ma'am Lavena mo. Huwag kang magreyna-reynahan dito sa bahay ko. Dahil hindi mo bagay dapat lang talaga sayo katulong, isang alipin." mariing saad niya sakin. Kaya hindi ako nakasagot agad. "Magluto ka doon, ipagluto mo kami ng hapunan." sigaw pa niya sakin, para siyang hari kung makapag mando.
"Hindi ba sinabi ko naman sayo hindi ako marunong mag-luto hindi mo ba naintindihan yun." Malumanay kung tugon, pero nagpawala siya ng isang suntok na nailagan ko, kaya sa braso ko tumama kung hindi baka sa panga ako tinamaan. "Huwag mo ng ipilit na ipagluto ko kayo at masasayang lang kung hindi rin makakain." dagdag ko pa at lumayo ng bahagya sa kanya.
"Basta magluto ka roon kung hindi baka mapatay kita sa suntok." pagbabanta pa niya. At isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Nanghihina na ako sa mga ginagawa niya buti nalang malakas ang aking katawan at hindi agad bumibigay kung hindi baka nasa hospital na ako ngayon.
"Sige ipagluluto ko kayo lalagyan ko nalang ng lason para mauna kayung mamatay." Ngisi ko sa kanya. At nilampasan na siya pero nakakailang hakbang palang ako ng may humila sa bohuk ko.
"Lalasonin mo pala kami ha malandi ka. Ito ang dapat sa isang katulad mong mutchacha. Patay gutom." sigaw niya sakin at inginudngod niya ako sa sahig. Kaya malakas kung hinila ang paa niya kaya napasaldak siya.
"Wala kang karapatang saktan ako baka hindi mo ako kikilala kung sino at ano ako dito sa bahay na ito. Kung may malandi dito ikaw yon at hindi ako." Sigaw ko sa kanya.
"Shut up moron." Sigaw naman ni Hammer sakin at itinulak niya ako palayo sa babae niya. Inalalayan na niya ito at ipinasok sa kwarto niya. Kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko at ini-lock ang pinto. Muli nag-unahan nanaman naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Matitiis ko ang lahat ng pang-aapi ng asawa ko, pero kung ang babae niya ibang usapan na yun. Hindi niya ako pwedeng api-apihin lang sa sarili kung pamamahay.
Lalabanan ko siya dahil mas may karapatan ako dito sa bahay at sa asawa ko pero hindi ko maipag laban ang ligalidad ko bilang asawa dahil narin sa walang konsensiya kung asawa na walang alam gawin kung hindi manakit ng katulad kung walang lakas lumaban sa kanya. Kailan ba siya magigising sa katutuhanang ako ang asawa niya at hindi ang babaing 'yun. Hanggang kailan niya ako matatanggap bilang asawa niya. Kahit kunting respeto nalang kahit wala ng pagmamahal matatanggap ko na. Huwag lang ang alipinin niya ako at lalo na ng kabit niya. Dahil ipagtatanggol ko ang aking sarili sa abut ng aking makakaya.
Pumasok nalang ako sa cr para maligo dahil namamaga na ang aking mukha masakit parin ang aking tiyan. Ginagawa na niya akung punching bag. Halos araw araw nakakatikim ako ng suntok niya. Hindi ko alam kung may matitira pa bang konsensiya ang aking asawa dahil kahit babaeng walang laban pinapatulan niya. Sana magpakalalaki naman siya. At harapin kung ano na siya ngayon, hindi 'yung nagbubuhay binata pa siya. Kung ayaw naman niya bigyan laya nalang niya akung makalabas ng bahay para makapagtrabaho, at mabuhay din ng normal tulad ng ginagawa niya. Malaya siyang nagagawa ang lahat ng naisin niya, kahit may natatapakan siyang ibang tao. Wala siyang pagpapahalaga sa kapwa niya. Sana huwag mapagod ang aking pusong nagmamahal at umuunawa sa kanya.
Napa-aray ako sa sakit ng tumama sa mukha ko ang malamig na tubig na binuhos ko, kaya unti-unti at magaan kung hinaplos ang aking mukha upang maalis ang natuyong dugo sa labi ko. Masakit din ang aking pisngi na paboritong sampalim ni Hammer, maging ang anit ko medyo masakit din. Kailan kaya maaawa ang aking asawa sa akin. Kailan kaya siya magsasawa ng pananakit sa akin.
Tulad ng nakasanayan ko na maaga akung nagigising, kaya ng matapos ako sa morning routine ko lumabas na ako ng kwarto para sana magtungo sa kitchen pero nakita ko silang dalawa, nakayakap sa likod ng asawa ko ang babae niyang tila tuwang tuwa pa sila. Kaya hindi na ako tumuloy, at tinalikuran na sila kahit tinatawag pa ako ng babae niya. Pero hindi ko rin pinansin dahil wala siyang karapatang utus-utasan ako. Isang araw makikilala mo rin kung sinong winawalanghiya mo, piping bulong ko. At tuluyan na akung lumabas ng bahay patungo sa hardin ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid ng bahay namin, at nagplaplano kung ano pang ayus ang gagawin ko sa mga batong malalaki, kung saan banda ng hardin ko pwedeng gawin dekorasyon. Buti pa dito ko nalang ubusin ang oras ko maghapon, mas masaya pa ako kung sila ang kasama ko. Ang asawa ko puro dusa at pasakit ang dinudulot niya sakin. Wala siyang awa kung manakit at kahit saan nalang ako tamaan ng mga kamao niya. Lalo na ngayon inuwi na niya ang babae niya kaya nadagdagan na naman ng dahilan para saktan niya ako. Physically and Emotionally napakasakit sa isang asawa na mag-uwi ng iba ang iyong asawa, at ikaw na asawa ang binabaliwa at sinasaktan. Pinagtutulongan ka pa nilang dalawa. Kaya kung magtiis kung ang asawa ko lang. Bakit ba kasi sa kanya ko pa naramdaman ito, madami naman may gusto at nanligaw sa akin, pero talagang siya lang ang tinitibok ng pesteng puso kung ito. Himutok niya at bahagyan pangsinuntok-suntok dibdib tapat ng puso niya. Kung pwede lang turuan ang puso kung sino ang pwedeng mahalin siguro nuon pa man tinuruan ko na ang puso kong umibig sa iba. Sa taong magpapahalaga sa akin, yung taong mamahalin ako ng buong-buo. At hindi sasaktan, yun may mga pangarap sa buhay na bumuo ng masayang pamilya.
Nakita ko ang asawa kung matalim na nakatingin sakin habang papalapit siya sa gawi ko. Mukhang makakatikim na naman ako nito sa kanya. Ano nanaman ba ginawa ko para hindi lang sila pinansin masama ba yun. Ano bang gusto niya, ang gawing akung alipin na hindi pinakakain at wala ni kunting konsiderasyon man lang na maging ang kabit niya aalipinin din ako. Wala ba akung karapatan tumangi sa mga gusto nilang ipagawa sa akin. Hindi ba pwedeng bigyan naman nila ako kahit konting respeto. Ng uwi nga siya ng babae, sasaktan pa niya ako paghindi ko sila sinunod.
Kaaga-aga dusa nanaman ang matitikman ko sa asawa ko nito. Ng dahil lang sa hindi ko pampansin sa kanila. Bakit kasi hindi yung babae niya ang utusan niya bakit ako pa, sila naman ang nagpapasarap, sila ang nakikinabang ng dapat para sakin.
"Ikaw babae ka napakasama talaga ng ugali mo hindi ba sabi ko pagsilbihan mo kami. Bakit hindi ka man lang lumapit ng tinatawag ka ng ma'am Lavena mo?" Singhal niya agad sa aking paglapit niya. Para bang nakagawa ako n isang krimen.
"Bakit ko naman kayo pagsisilbihan ng kabit mo? Ano bang nagawa kung masama? Para hindi lang kayo pinansin masama na ba yun?" Mariin kung saad sa kanya. "Hindi ko obligasyon pagsilbihan ang kabit mo baka malason ko pa siya. Baka pagdating mo matigas na bangkay na yan." Dagdag ko pa singhal at iniwan na siya pero bigla niyang hinala ang buhok ko.
"Araaýy!" Tili ko dahil muntik nakong matumba dahil sa ginawa niya buti nakahawak ako sa puno ng halaman.
"Pagkinakausap kita huwag mo akung tatalikuran malandi ka." Singhal niya sa akin at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko. Kaya napapangiwi ako dahil pati anit ko yata mukhang matutuklap na. "Huwag na huwag ko lang malalamang inaway mo ang girlfriend ko makakatikim ka sakin tandaan mo yan." pagbabanta pa niya sakin. At saka niya padarang na binitiwan ang buhok ko.
"Kahit anung sabihin mo papatulan ko siya dahil ako ang asawa mo at higit na may karapatan sa lahat ng bagay dito. Legal tayong mag-asawa." asik ko na sa kanya habang hinihimas ang aking ulo kaya makatikim nanaman ako ng isang malutong na sampal sa pisngi. Kailan ba siya magsasawang saktan ako.
"Ako lang kasi ang kaya mong saktan bakit hindi ka humanap ng lalaking papatol sayo. Duwag ka lang talaga kaya babae lang pinapatulan mo. Bakla!" Inis kung sigaw sa kanya dahil masakit nanaman ang mukha ko sa kanya. Ginagawa na niyang hobby ang pananakit sakin.
"Magdusa ka at habang buhay mong pagdurusahan ang pagpapakasal mo sakin hanggang mamatay ka sa hirap." Balik sigaw din niya sakin at binigyan pa niya ako ng mag-asawang sampal. "Sa susunod papatayin na kita." dagdag pa niya bago niya ako iniwan. Umiiyak ko nalang tinanaw ang bulto ng katawan niyang nagmamadaling lumisan.
"Darating ang araw pagsisihan mong lahat ng ginagawa mong ito sa akin, at sa araw na yung ikaw naman ang luluhod at magmamakaawa sa akin. At kahit lumuha ka pa ng dugo hinding hind na kita mapaptawad." Umiiyak kung usal, at hindi ko na inalam kung umabot ba sa pandinig niya. Dahil unti unti ko ng natatanggap na malabo ng matutonan pa niya akung mahalin dahil may mahal na siyang iba.
Iyak lang ang tanging nagagawa ko tuwing ganitong sinasaktan ako ng asawa ko. Tanging kadamay ko sa mga hinagpis ko ang mga halaman ko, sila ang kinakausap ko pag ganitong nasasaktan ako.
Nagpalipas pa ako ng ilang oras dito sa hardin ko. Kahit nakita ko ng umaalis na ang asawa ko, masakit pa ang aking pisngi at anit maging ang aking tiyan. May galus din ako sa binti, tumama sa mga batong malilit na nakausli.
Pinagmamasdan ko lang mga pasa sa braso ko. Nadagdagan nanaman ang aking pasa sa katawan. Hindi pa man kumukupas ang kulay ng mga dating pasa ko may kapalit nanaman. Napabuntong hininga nalang ako kaya tumayo na ako para pumasok sa bahay. Kailangan ko ng maglinis ng katawan.
Naiwan kami ng babae ng asawa ko dito sa bahay at ang bilin ng asawa ko huwag a huwag ko daw aawayin ang babae niya. Kaya napaismid ako. Paano kung susundin ang utos niya kung ang kabit na niya mismo ang maguumpisa ng kawalanghiyaan. Nasa lugar ako, kaya kahit na saktan ko pa siya wala silang laban, pamamahay ko rin ito, at kalaguyo lang siya ng asawa ko.
"Inday maglinis kana dito hiyaw niya sa akin ng makita niyang papasok ako ng pinto kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit hindi ikaw ang maglinis sa mga kalat niyo. Huwag mo akung utusang linisin yang mga kalat niyo, ikaw dapat naglilinis niyan dahil palamunin ka lang dito." Balik sigaw ko sa kanya at nagmartsa na ako paakyat sa kwarto ko.
"Walanghiya ka talaga inuutusan kita. Sundin mo kung anung inuutos ko sayo kung...
"Kung hindi ano huh?" sigaw ko sa kanya at hinarap ko pa siya kaya hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya akala niya siguro natatakot ako sa kanya. "Akala mo kung sino kang makapagutos. Ano ka lang ba dito huh. Baka hindi mo kilala kung sino ako. Kaya kitang pataying dito sa loob ng bahay ko ano mang oras ko gustuhin. Kaya huwag mo akong mautus-utosan." dagdag ko pang sigaw sa kanya. "Gusto mo naman lasonin na kita ngayon para mamaya malamig na bangkay kana bago palang umuwi si Hammer." pang-aasar ko pa sa kanya bago ko siya iniwan. Nakatulala siyang iniwan ko, kung ibang tao lang ako baka sila pang dalawa ni Hammer ang mamatay dahil sa ginagagwa nila.
Tinungo ko na hagdanan para makapasok na sa kwarto ko dahil wala rin mangyayarin kung makikipag-away lang ako sa babae ng asawa ko baka nga mapatay ko pa siya.
Lumabas lang ako ng kwarto ko ng kumakalam na ang sikmura ko. Hindi ko na binigyan pansin pa ang mga nagkalat na mga plato sa sink. Bahala sila sa mga ginamit nila, sila lang naman gumagamit niyan. Nagsaing nalang ako ng para sakin hindi ko naman nakita ang bruhang babae marahil nasa silid ng asawa ko nagkukulong. Kaya malaya akung makakagalaw dito nagwalis lang ako sa salas at naglampaso. Sakto naman naluto na ang sinaing ko nagmatapos na ako sa paglilinis ng bahay, kaya kumain nalang ako. Binudburan ko lang ng kunting asin ang mainit ko pang kanin. At saka hinalo ko, sunod-sunod na subo ang ginawa ko na sinabayan ko nang pag inum ng tubig para nalunok ko, kung hindi ko ito gagawin mamatay ako ng dilat. Ito nalang ang pandugtong buhay ko kahit walang sustansya.
Nagmatapos na akong kumain bumalik na ako sa kwarto ko bitbit ko ang kaldero ng kanin dahil baka maisipan lagyan ng kung ano ng bruhang babae ang kanin ko. Maghapon na akong nagkulong dito sa kwarto ko. Padilim na naglumabas ako para sana bisitahin ang mga halaman ko. Nakakainip din kasing magkulong sa kwarto ng walang ginagawa, para akung mas lalong nanghihina. Wala rin ibang mapaglibangan maliban sa mga halaman.
.
.
.
.
.
.
.........................................................
..... please follow my account and
....add my stories in your library.
........"Lady Lhee".........
.......thanksguys...loveu...lrs...