"You Will Never Find The Right Person If You Never Let Go Of The Wrong One." . . ............. ............. ............. ........... . . Mahihinang katok sa pinto ng opisina niya ang nagpa-angat sa kanyang mukha at hinintay kung sino ang pangahas na gustong umisturbo sa busy hours niya. Dahan dahan bumukas ang dahon ng pinto at sumungaw ang isang mukha. "Hi!" bati nito na may matamis na ngiti sa labi. "Busy as usual?" anito at tuloy-tuloy ng pumasok palapit sa table niya. "How can i help you Mr. Buenaventura?" tugon niya dito. Na ikinatawa naman nito. "Why are you being so formal?" Tanong niyang nakakunot noo. "I would like to invite you for dinner at my place. And i don't take no for an answer, lagi ka nalang busy. Mukhang maging pagkain kinakalimutan mo na." saad niya

