CHAPTER III
Lily’s POV
Abala ako sa pagkalikot sa aking telepono habang naglalaro ng isang hotel management game. My forehead furrowed when an incoming call from Amelie came in.
Napairap ako. Ano na naman kayang nangyari at tumatawag ito ng dis oras ng gabi.
Simula kanina ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang pagsabihan ako. Hindi ko nga alam kung bakit galit na galit siya sa biglaang pag-alis ko.
My attitude was not even new to them. Kabisado naman nila ako na kapag ayoko na sa pinag-uusapan ay umaalis na ako.
It was just my personal style to keep our relationship intact. I don’t want to suddenly burst all the things I’m feeling and wanted to say.
I looked at the clock and it was already one in the morning. Hindi nga lamang ako dinadalaw ng antok kaya hanggang ngayon ay gising na gising pa ang aking diwa.
Bumuntong hininga muna ako bago dahan-dahang inabot ang aking telepono. Umaasa na ibaba ito ni Amelie kapag hindi ako sumagot agad.
“Hello—“
Hindi pa ako nakababati ay sunod-sunod na ang pinagsasabi ng nasa kabilang linya.
“Oh my god, Amelie. Have you seen the news?”
Umiling ako kahit hindi niya naman ako nakikita. “Nope,” sabi ko habang tinitignan ang aking kuko sa kamay.
Sa halip na pansinin ang sinasabi niya ay mas pinagkaaabalahan ko pa ang aking mga kuko. Hindi ko naman kasi ikagaganda ang sinasabi ni Amelie. Baka nga ito pa ang maging dahilan ng eye bags ko.
I damn need a manicure tomorrow morning. Hindi ko nga lang alam kung papaano dahil palabas pa lamang ako ng bahay ay marami ng reporter ang nakasunod sa akin. Mga gahol na gahol makakuha ng exclusive.
Sa lahat ng nalaos at pinakanaba-bash na artista, ako lang ata ang palaging hinahabol ng mga reporters.
“Na-blind item ka, Lily… again….” Amelie sighed.
Nagkibit balikat lamang ako. Nothing’s new to me. Palagi naman akong nalalagay sa listahan ng blind item. Wala na atang mapagkitaan ang mga reporter at writer na ‘yun at ako na lamang lagi ang kanilang ginagawan ng balita.
“What is it this time? Am I dating the president now?” biro ko.
Sa daming beses kong na blind item ay iba-iba ang mga kwento nito. Hangang-hanga nga ako sa mga reporter na ‘yun at napakagaling nilang gumawa ng kwento. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nang nadawit ang pangalan ko sa mga isyung ‘yan.
One time I was dating an old rich business man, then a congressman, a senator, an eighteen years old heir, and many more. Lahat na ata ng may pera at kilalang tao ay idinidikit sa pangalan ko.
Minsan pa ay kahit hindi naman ako ang tinutukoy nila parang sinasadya nilang magbigay ng mga clue na madidikit sa pangalan ko.
“Well… it’s not that bad this time. It’s not even worst, but this is really critical right now. I’ll send you a copy of the article and make sure to come here early in the morning tomorrow. Understand?”
“Can I just come in the afternoon? I haven’t slept yet—“
“You’ll come early in the morning, and that’s final. Don’t worry because you won’t even have a good sleep after reading the article.”
Dali-daling ibinaba ni Amelie ang tawag bago pa ako makaangal. Napairap na lamang ako sa ere. As if that I will really come early in the morning.
Ang tagal ko ring natengga kaya naninibago ako na ang dami kong kailangang gawin ngayon. Kundi dahil sa buwisit na Dean na ‘yun, malamang sa malamang ay marami pa rin akong libreng oras para sa aking sarili.
I took a look at my not so pretty nails. Nagkandahaba-haba ang aking nguso. Mukhang makakansela na naman ang plano kong pagre-relax para bukas. Siguradong dudumugin na naman ako ng mga usiserong palaka.
Wala pang isang minuto ay may natanggap na akong mensahe kay Amelie. It was a link of an article from a known site that I loathed.
Isa lang naman ang mga ito sa wagas kung magdawit sa pangalan ko.
Binuksan ko ang article at bungad pa lamang ay napasimangot na agad ako.
‘Beautiful actress, bukod sa dating sikat na nobyong aktor mayroon na namang panibagong lalaki’
Pamagat pa lamang ng article ay napairap na ako. Atlis sinabi nilang maganda ako, kundi ay baka sinugod ko na ang nagsulat nito.
Teka, sino nga pala ang nagsulat. Ini-scroll ko nang kaunti ang article para makita ang walang hiyang gumawa nito.
“Huh, tsk!” I rolled my eyes.
No wonder that the article’s title was made to attack me. Ang walang hiyang Rochelle na iyon pala ang nagsulat nito.
Rochelle was a known reporter for writing negative reports about me. Pero kahit kailan ay hindi siya nagsulat para purihin ako.
That b***h was always present whenever I did something wrong but always missing whenever I reached a milestone. Ipinanganak lang ata siya sa mundo para bwisitin ako.
Hindi ko na tinuloy pang basahin ang isinulat niya dahil sigurado naman akong hindi ko ito magugustuhan.
Lagot talaga sa akin ‘yung bruhildang na ‘yon kapag nagkita kami. Pasalamat siya at hindi pa ako ganoon ka desperada para sugurin siya.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para makapagpahinga. Nang hindi ako hinila ng antok ay kinuha ko ang gamot na nasa aking drawer at ininom ito.
I’ll set an alarm tomorrow morning, so I can still wake up early after drinking this sleeping pill.
Siguradong magagalit na naman sa akin si Amelie kapag nalaman niyang uminom na naman ako ng pampatulog. Pero ano bang magagawa ko kung palagi na lamang akong hindi hinihila ng antok kahit anong pagod ang nararamdaman ko.
Kinabukasan ay napamura na lamang ako sa sobrang pagmamadali. Hindi lang naman ako nagising sa tamang oras ngayong araw.
Nakailang missed calls na sa akin si Amelie, pero kahit ang mga ito ay hindi ako nagawang gisingin. Ilang alarm din ang mayroon ako pero hindi man lang ako naalimpungatan.
Sa sobrang pagmamadali ko ay wala pang sampung minuto ay nakaligo na ako at nakapagbihis. For the record, that was the fastest time that I got ready.
Hinila ko na lang ang kung ano mang nasa damitan ko at nagmamadali ko itong isinuot.
Kaya heto ako ngayon sa labas ng Star Entertainment habang inuuntog ko ang aking ulo sa manibela ng kotse ko. I should have looked in the mirror first before droving here.
Punong-puno ng mga reporter ang labas ng Star Entertainment. Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang ringtone ng aking telepono.
Kung makatawag naman itong si Amelie parang hindi ko siya sisiputin. Well, wala naman talaga akong balak na siputin siya.
Kundi lang niya ako tinakot na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para makatrabaho ko ulit si Dean ay baka wala ako rito ngayon. Like, duh, sino ba naman ang gustong makapareha ang manlolokong ‘yon.
“Yes?—“
“Lily, where are you? I told you to come here early in the morning. I’ve been trying to reach you since earlier. It’s already one in the afternoon and you’re not yet here?” galit na turan ni Amelie sa kabilang linya.
I bit my lips. “I’m already here outside the building,” sabi ko sa mahinang boses.
“Come here… now!” Amelie demanded and dropped the call.
Napakamot ako sa aking ulo. How can I show up in front of them wearing only a pair of sweatpants and a shirt? At ang pinakamalala pa ay nakalimutan kong kumuha ng sapatos at tanging ang tsinelas na pambahay ko lamang ang aking nasuot.
Ipinilig ko ang aking ulo. Hayaan mo na nga. Ano naman kung i-judge ng mga tao ang suot ko kung buong pagkatao ko naman na ang na-judge nila?
Dahan-dahan akong lumabas ng aking kotse at nakayukong naglakad papunta sa elevator. Itinago ko ang mukha ko sa sombrero kong suot.
“Well, look who’s here,” aniya ng pinakanakaiinis na boses na narinig ko sa aking talambuhay.
Napairap ako sa ere bago ko huminto sa paglalakad. Hinanap ko ang pinagmulan ng boses na ‘yun. Nang magtagpo ang mga mata namin ay dahan-dahan ko siyang nilapitan.
I smiled at her. “Hi,” bati ko.
She smirked at me. “Hi? I’m surprised that you’re here. Hindi ko alam na ganiyan ka na pala kakapal ngayon,” mapambuska niyang sabi.
Pabiro akong tumawa dahil sa kaniyang sinabi. “Kakapal? Well, let me rephrase that for you, woman. Ganito na ako katapang.” Lumapit ako sa kaniya at lalo kong nilakihan ang pekeng ngiti na nakapaskil sa aking labi. “Well, after all the s**t that you threw at me, I’m now brave enough to show my face here after you spit some of your stupid lies… again.”
“Lies? Are you sure that was all lies?” hamon niya. “Hindi naman ako bulag para hindi makita ang mga pangyayari kahapon, Lily.”
“Wow! First name basis. Sige nga Rochelle, kindly enlighten me on what happened yesterday.”
She smiled at me, which irked me. “Sumama ka lang naman ulit sa isang lalaki. Hindi ka na nahiya at sumakay ka pa sa kaniyang kotse. He was driving an expensive car, and don’t tell me that he’s not rich just like you’re previous men.”
Kainis, sarap burahin ng mukha ng bruhildang ito. Bakit naman sa dinami-dami ng reporter na puwedeng makakita sa akin, siya pa?
Muntik na akong mapairap dahil sa sinabi ng bruhilda sa aking harapan. Ano bang tingin nito sa akin, gold digger?
“Did you forget to do a background check? As far as I remember, as a reporter, you should background check first every time you publish an article to the public.”
She was stone cold in her place. Tsk, sabi ko na nga ba at kung ano-ano na naman ang ipinagsusulat niya.
Nakapagtataka lang na nakailang kaso na ako sa kaniya pero hanggang ngayon ay nakapagpakikita pa rin siya sa aking harapan.
Paano ba namang hindi kung palaging naka-back up sa kaniya ang kompanyang pinagtratrabahuhan niya. Sila rin naman kasi ang kumikita ng malaki sa walang kakwenta-kwentang pinagsusulat ng babaeng ‘to.
“Since I’m kind, let me tell you what happened. That man was my bodyguard and was instructed to watch over me and just do what he had been told. Do you think I’ll date a mere bodyguard? Akala ko ba gold digger ako? Bakit idinidikit mo ang pangalan ko sa isang body guard?”
Peke akong tumawa. “Sinisira mo na nga ang reputasyon ko, pati ba naman ‘yung gawa-gawa mong reputasyon ko ay ikaw din mismo ang sisira.” I looked at her with pity. Umiling-iling ako habang nakatingin sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ni Rochelle. “But… he can’t be just your body guard—“
“Sa susunod kasi alamin mo muna ‘yung katotohanan.” Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tenga. “Hindi ‘yung puro tsismis ang ipinapakalat mo. Iyan tuloy parang gusto na naman kitang kasuhan.”
Lumayo ako sa kaniya. I smiled sweetly at her before waving goodbye. Pagkatalikod na pagkatalikod ko sa kaniya ay nawala ang pekeng ngiti sa aking labi.
Damn her! Dahil sa katangahan niya nadamay ang dapat na pagre-relax ko ngayong araw.
Dumiretso na ako sa elevator. Bago pa ito magsara ay nagmamadali na akong sumakay dito. Yumuko ako at isiniksik ko ang aking sarili sa pinakagilid na parte ng elevator.
Umatras na rin ako sa pinakasulok para walang makakita sa akin. Mahirap na at baka makilala pa ako ng ibang sasakay sa elevator.
Maya-maya ay may mga babaeng sumakay sa elevator na kinasasakyan ko.
“Nabasa niyo ba ang bagong article ng TTN? Malamang ay matatambakan na naman tayo ng trabaho sa bagong issue ni Lily,” ani ng isang babaeng nakasabay ko sa elevator.
Bumuntong hininga ang kaniyang kasama. “Sinabi mo pa. Manong manahimik na lang siya para hindi na tayo mahirapan,” reklamo niya.
“Ang kati-kati kasi, dapat ata ay ibili na ‘yun nang pangkamot nila Ma’am.”
Lalo akong napayuko dahil sa pinag-uusapan nilang dalawa. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tumigil na sa wakas ang elevator sa sumunod na palapag at lumabas na sila.
I bit my lips. I can’t even protest against them. Dahil maging ako ay pabigat na ang tingin ko sa aking sarili.
Tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng aking mga luha. I can’t let Amelie see me crying. Siguradong mag-aalala lamang iyon sa kalagayan ko kapag nagkataon.
Nang makarating ako sa tamang palapag ay lumabas na ako ng elevator at nagtungo sa opisina ni Amelie. Kumatok ako ng tatlong beses bago dire-diretsong pumasok dito.
Nakayuko akong pumasok at diretsong naglakad patungo sa sofa. Pagkaupo ko rito ay ipinikit ko agad ang aking mga mata para hindi niya mahalata ang pamumula nito.
“Why did you want me to come here?” tanong ko habang nakapikit pa rin.
Kumunot ang aking noo ng walang sumagot sa akin. Idinilat ko ang kanan kong mata at inikot ito sa kabuuan ng silid. Huh? Bakit wala si Amelie rito?
Nasaan na kaya ‘yun? Matapos niya akong madaliing papuntahin dito siya naman pala ang wala.
Umayos ako ng upo at idinilat ko na ang aking mga mata.
“s**t!” sigaw ko nang makatagpo ng mga mata ko ang isang pares na kulay hazel na mga mata.
Hindi ko napansin na may kasama pala ako sa loob ng opisina ni Amelie. He was intently looking at me as if I’m one of a specimen in a laboratory.
Inayos ko ang aking postura at naalala ang aking suot. “Kanina ka pa diyan?” tanong ko sa aking bagong bodyguard.
Nakakahiya! Hindi na nga maayos ang suot ko tapos kung umasta pa ako ay parang bahay ko lamang ito. s**t, Lily. That was so unprofessional.
Paano kung ipagkalat niya ang kaniyang nakita? So? Ano naman ngayon? Atlis mapapalitan na ang headline tungkol sa akin, diba.
‘Obsolete and flirty actress is now a disreputable beautiful actress.' Oh, diba ang bongga.
“Yeah,” aniya sa isang baritonong boses.
Damn, his voice sounds deeper than the sea. It was so deep. Siguro kung mag-aapply siya sa mga radio station ay matatanggap agad siya.
Amelie should sign him not as a bodyguard but as a talent.
I blinked my eyes, trying to focus on his features. He was wearing a black cap and mask just like the first time I saw him.
“Are you really just a bodyguard?” kuryoso kong tanong.
Nang hindi siya sumagot ay nagsalita muli ako. “Hindi naman sa minamaliit ko ‘yung trabaho mo, ha. What I mean is you can pass as a talent or even a model with the features that you have.”
Sa halip na sagutin ako ay nag-isang linya lamang ang kaniyang mga kilay at nag-iwas ng tingin. Kinuha niya ang kaniyang telepono mula sa kaniyang bulsa at nagpipindot dito.
“Hindi mo ba gustong mag-apply bilang talent? For sure besides that perfectly toned body and foreign eye feature… Sigurado akong may itinatago ka ring guwapong mukha sa mask at cap mo na ‘yan,” kumento ko muli.
Napanguso ako nang hindi muli siya sumagot. Ang sungit naman nito buti nga ay kinakausap ko siya.
Huh, kung alam niya lang kung gaano karami ang mga lalaking gustong makausap ako. Malamang sa malamang ay kanina niya pa ako nilapitan.
Ipinagkrus ko ang aking mga kamay sa aking dibdib habang masama siyang tinitignan. Guwapo nga, masungit naman.
Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. Nang makita ang ayos ko ay umiling lamang siya at muling ibinalik ang kaniyang atensyon sa kaniyang cellphone.
“I can help you,” masigla kong sabi.
Muli niya akong nilingon. What was his name again? His name sounded like a name in the periodic table.
Nginitian ko siya gamit ang aking billion dollar eye smile. Lahat ng lalaki nadadala sa mga ngiti ko. Kapag hindi pa siya nadala ay baka lalaki rin ang hanap niya.
Mariin niya akong tinitigan. I felt uncomfortable at how he looked at me. Para bang alam niya ang lahat ng isyu tungkol sa akin sa paraan nang pagtingin niya.
“Why? Don’t you think I can help you?” naguguluhan kong tanong.
Umiling siya. My god, he’s not even talking. Hindi ba napapanis ang kaniyang laway.
Kumunot ang noo ko. “Then what? Alangan namang hindi ka pasok sa standard ni Amelie…”
Nanlaki ang mga mata ko nang umiling siya at iniwas ang tingin sa akin.
“Hindi nga?” hindi makapaniwala kong sabi.
Don’t tell me he’s just mask fishing? Really? It couldn’t be. Hindi ako puwedeng magkamali. He really looked attractive right now, and you can’t tell me otherwise.
Sa sobrang pagka-curious ko ay tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya.
Tumayo ako sa kaniyang harapan at malapitan ko siyang tinitigan. He looked like he has foreign features under that mask. Itinagilid ko ang aking ulo para matitigan siyang mabuti.
He has long legs. Sa pagkatatanda ko noong isang araw ay mas matangkad siya sa akin. Siguro ay mga nasa anim na talampakan ang kaniyang tangkad o higit pa. He also has a medium tanned skin and hazel brown eyes that made him looked so foreign to me.
No! No! I can’t be wrong. Sigurado akong may itsura siya. Baka naman kaya hindi siya kinukuhang talent ni Amelie ay dahil hindi pa nito nakikita ang kabuuan ng kaniyang mukha.
Nakatitig lang siya ng diretso sa aking mga mata habang hinihintay ang susunod kong gagawin.
I reached out my hands toward his face to try removing his mask. I waited for his reaction. Tinitignan ko kung papalag ba siya sa binabalak kong gawin.
He didn’t budge nor stop my hand from reaching out to his face. Instead, he looked straight at me as if he was challenging me to remove it with my own hands.