I was surprised when I saw Vladimir inside our house. Sinabihan lang ako ng isang kasambahay namin na naririto si Vlad. Ang tagal din naming hindi nagkita at ang huling pagkikita namin ay hindi ganoong kaganda. My relationship with him that time was stained. Hindi ako makapaniwala na pumayag siya sa gusto ni Kuya o baka…isa iyon sa mga plano nila, para mailayo ako at hindi maipit sa mga plano ni Silver? “Vladmir…” bati ko sa kanya. Iniwan ko sa nursery room si Eury kasama ang nonna niya. Naandito kasi si Mom at dinalaw ang dalawang bata. Si Giana naman ay nasa playroom at naglalaro kasama ang tagapag-alaga niya. “Hi, Aneesa.” Ramdam ko ang pagkapormal sa boses ni Vladimir. I always see Vladimir as a good friend and my older brother. Ang tingin ko sa kanya ay parang si Montrell lama

