NASA isang rest house kami ng mga Benavidez. Lahat sila ay naririto dahil nagbabakasyon at sakto na rin daw na ma-montior nila ako habang naririto sila. Kapag umalis sila, sabi ni Aiselle ay magpapaiwan daw siya para may kasama ako. Hindi ako maaaring lumabas o pinagbabawalan din ako na makakuha ng balita tungkol kay Silver dahil para na rin daw sa akin at iwas stress. Hindi na rin bumalik si Maxine kaya hindi pa kami nagkakausap na dalawa. Kung saan-saan na naman napupuntaa ang isipan ko pero pinanghahawakan ko lahat ng sinabi ni Silver. Alam ko na babalik siya. Naniniwala ako na hindi niya kami iiwan. Nakatulala lamang ako sa may bintana ng kuwarto. Maulan at hindi kagandahan ang panahon. Bumukas ang pinto at nakita ko si Aiselle. She was accompanied by Kairos and Luna. Napangiti ak

