THAT night, we celebrated. Kahit alam namin that this is far from being over. Alonzo is still on the loose at hindi pa namin alam kung saan siya nagtatago. Sabi ni Silver sa akin, isa si Alonzo sa hindi niya inaasahan na sasali sa laro niya bukod kay Yvo. “Alonzo is loyal to the Montecalvo family, pero ayaw niya sa amin dahil he keeps on insisting we’re not real Montecalvo at hindi kami ang dapat na namamalakad sa pamilyang ito.” May mga pangyayari noon na siyang dahilan bakit napunta kina Silver ang pamilyang ito, where originally ay Benavidez pala talaga sila. Laglag ang panga ko nang malaman ko ang tungkol doon. “Ayaw niya sa inyo dahil hindi kayo Italian, ganoon ba iyon?” Tumango si Silver sa tanong ko. Iyon din ang ipinaliwanag niya sa akin tungkol sa kapatid niya. When Yvo trie

