SINABI sa akin ni Lauren ang mga dapat kong malaman at nakinig lang naman ako sa kanya. Nagdadalawang-isip ako kung dapat ba akong maniwala sa kanya o hindi. Maaari kasing isang trap lamang ito. Maaaring paniniwalain niya kaming kailangan niya ng tulong pero ang totoo ay planado nilang dalawa ni Alonzo ang lahat. It’s still vague, kung anong relasyon ng dalawa. “Nagkaroon kami ng relasyon ni Alonzo. Siya ang nag-utos sa akin na pag-awayin kayong mag-asawa. Siya ang nagsabi sa akin na akitin si Silver. Ngunit hindi nagwo-work ang lahat ng plano niya. Silver is so faithful to you, hindi siya tumitingin sa ibang babae. Ako ang nagtago kay Alonzo nang mahuli ang mga kakamapi niya sa plano niya at mabuking siya na gusto niyang pabagsakin si Silver Montecalvo. Ngunit nalaman ko na may mga nag

