Reincarnation

477 Words
" Kung hindi pwedeng ituloy ngayon, ako'y maghihintay kahit abutin pa ng ilang henerasyon." " Mahal" tawag ko sa aking iniibig na ngayon ay nagbabasa ng libro. Tumingin ito sa akin at agad akong hinalikan. Maya-maya ay rinig namin ang mga batong tumatama sa aming bahay. Agad ko itong sinilip sa maliit na siwang. "Naririto na naman ba sila?" Tanong sa akin ni Carmela at bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot. Mariin akong tumango.  " Hayaan mo na sila Cecilia" rinig kong sambit niya. Naririto na naman ang taong kinamumuhian kami. Sa Henerasyong ito, kami'y tila masasamang tao upang kagalitan ng marami. Nagmahal lang naman kami, kahit batid naming mali, sapagkat parehas kaming binibini. ------ " Kuya " tawag sa akin ng aking nakababatang kapatid. Kaagad ko itong niyakap. "Imissyou"  "Imissyoutoo kuya" saad nito pabalik at hinalikan ako sa pisngi. Isang taon lamang ang agwat ko sa kanya. At may kakaibang relasyon ang nabuo sa aming dalawa. Hindi nagtagal ay nalaman ito ng mga magulang namin kaya't pinaglayo kaming dalawa. Hanggang ngayon, marami pa rin ang tutol at nanghuhusga. Pasensya na, sapagkat nais lamang namin ituloy ang aming istorya. Ngunit hindi pa ata ito ang tamang henerasyon para sa aming dalawa. ----- Ramdam ko ang saya nang aking makita ang bagong silang na sanggol ng aking kapatid. Agad ko itong hinawakan at tila may kakaiba akong naramdaman. Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata na tila ito ay dati ko pang nakita. Napangiti ako bigla ngunit may kirot sa aking dibdib at lumayo sa kanila. Hanggang ngayon, hindi pa rin pwede. Sapagkat siya ngayon ay muling isinilang, bilang aking pamangkin at ako ngayon ay may asawa na.  Hanggang kailan ba namin titiisin ang tila mapaglarong tadhana? ------ Halos isang taon na kaming magkasama ni Agatha. I'm Bryle. At sa tuwing pinagmamasdan ko ang kanyang ganda, tila may munting alaala na sa akin ay nagpapakita. Hindi ko mawari, ngunit hindi ko na lamang pinapansin. Ako ngayon ay nagmamaneho ng aming sasakyan habang si Agatha ay natutulog sa aking tabi. Hinalikan ko ito sa pisngi at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Hanggang sa ramdam ko ang pagkawala ng preno. Hindi ko malaman ang gagawin, tila alam ko na ang mangyayari. Pinagmasdan ko ulit si Agatha sa huling sandali at ito'y aking niyakap habang hinahayaan ang pagdausdos ng aming sasakyan. Tila namulat ang aking mga mata nang biglang may pumasok sa aking isipan na mga alaala. Mula kay Carmela at Cecilia, Mula nang ako'y kanyang maging kuya, At maging tita, At ngayon na tila perpekto na ang lahat ngunit kamatayan naman ang magpapahiwalay sa aming dalawa. Maling panahon na naman ba? Hanggang kailan kami paglalaruan ng tadhana? Ramdam ko ang sakit na dulot nang pagkabangga namin. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. At bago ako pumikit, Akin munang isinambit ang mga katagang, " Mahal, ako pa rin ay patuloy na maghihintay"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD