Kanina yung kaklase ko patagong kumakain habang nagtuturo si Sir.
Sabi ko sa kanya ,
" Mamaya na yan , makita ka pa ni Sir jan "
Tapos gago bigla siyang sumagot HAHAHA . Hindi niya ata namalayan na napalakas pala yung pagsalita niya HAHAHA .
Sabi niya ,
" Si sir lang yan, gutom ako, pake ko kay sir eh kumukulo na tiyan ko ? " .
Nginuh ang lakas HAHAHAHA.
Gago tingin sa kanya lahat e .
Tapos si Sir lumapit sa kanya ,
" Mr. Sandoval, pake ko din sayo ? Studyante ka lang , nambabagsak ako , pake ko sayo kung puro kain lang ginagawa mo ? "
Bars b***h HAHAHA .
Tapos napayuko yung kaklase ko .
Tapos sigaw ulit si Sir,
" Lumabas ka don! Iwan mo yung pagkain mo sa table ko! "
Agad naman kumilos yung kaklase ko, tapos si Sir umupo na dun sa desk niya na kung sa'n nilagay ng kaklase ko yung pagkain niya.
Tapos sabi ni sir,
"Magsulat muna kayo, kakain lang ako" tapos humagalpak siya ng tawa tapos kinain na niya yung pagkain.
Jusko sir! Kunyari ka pang galit e gutom ka lang naman pala! Lols HAHAHAHAHAHAHA