"Love?" Tawag sakin ni Kian habang naglalakad kami. Napalingon naman ako sa kanya. "Yes?" Ngumiti ito sa akin at yumuko. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Kailan ba tayo matatanggap ng Daddy mo?" Tanong nito sa'kin habang nakayuko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay. "Promise konting hintay nalang Love. Hahanap pa'ko ng tyempo para sabihin kay Daddy" saad ko dito at niyakap. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok habang nakayakap ako sa kanya. Biglang may humintong kotse sa harapan namin. Bigla akong napakalas sa pagkakayakap kay Kian nang biglang lumabas si Daddy aa kotse. Kasabay din ang paglabas ng mga tauhan niya. Nanginginig ako habang papalapit sila sa'min. Hinawakan ko ng mahigpit sa kamay si Kian. "Ayla!" Madiing sigaw s

