Education

238 Words
Naglalakad ako pauwi galing school. Then, may nakasabay akong dalawang babae sa daan. Same yung uniform namin kaya paniguradong schoolmate ko sila. Yung isang babae, umiinom siya ng milktea habang nagc'cellphone. Maganda din siya at nadadala niya ng nakakaakit ang uniform niya.  Suot niya din ang kanyang maliit na bag at paniguradong notebook lamang talaga ang mga dinadala niya. Yung isang babae naman, Umiinom siya ng palamig habang madami siyang dalang folder sa kabilang kamay. Chubby, g**o-g**o ang buhok, nakasalamin, at naglalakad habang pawis na pawis. Dala niya din ang bag niya na halos makuba na siya sa paglalakad dahil sa bigat nito. Then yung unang babae, 'nung naubos na niya yung milktea, Hinagis niya lang yon sa kalsada, samantalang, yung pangalawang babae na umiinom ng palamig sa plastik, 'nung naubos na niya yon, hinawakan niya lang. Tsaka niya tinapon nung may nakita siyang basurahan. See the difference. Sa simpleng pagtapon mo pa lang ng basura, makikita na kaagad sa iyo ang tunay na edukado. Yes, maliit na bagay. Pero kung titignan mo, Mas nakikita doon sa pangalawang babae ang tunay na natututunan niya sa paaralan samantalang sa unang babae, puro porma lang. Madadala natin ang kagandahan sa katawan. Pero mas magandang dalhin ang kagandahan ng ugali. You know what I mean. Hindi basta basta kailangang pumasok ang kabataan sa paaralan kung wala itong matututunan. Sa simpleng paraan na iyon, nakikita ang tunay na kahulugan ng pag aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD