"Love here's the reviewer. Magreview kana dahil malapit na ang exam natin" saad ko sa aking girlfriend na si Alli sabay abot sa kanya ng mga papel. "Thankyouuu lovee. That's why iloveyousomuchh" masayang sabi nito sakin at agad akong niyakap. "Basta galingan natin ha, kailangan nating makapasa ng exam at sabay tayong gagraduate at magiging doctor. Iloveyoutoo." Bulong ko dito sabay hinalikan ang kanyang buhok habang yakap-yakap ako nito. ------- "Alliah Mendez" pagtawag sa kanyang pangalan. Umakyat siya ng stage kasama ang kanyang mga magulang. Masaya ko siyang pinapanood habang pinaparangalan siya sa araw ng aming Graduation. Nagtama ang aming mga mata at akin siyang nginitian ngunit iniwasan lamang ako nito ng tingin. Natapos ang seremonya at akin siyang pinapanood na masaya kasam

