Naglalakad ako habang kinakabahan papasok sa aming classroom. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng kaba. Dalawang hakbang na lamang bago ko marating ang pinto. Saglit muna akong tumigil upang pakalmahin ang sarili. Malapit na ako sa pinto ngunit bakit tila walang nagiingay? May teacher na ba? Pero masyado pang maaga. Bat sila tahimik? Hindi naman sila ganto. Tinuloy ko ang aking paghakbang. Bumungad sa akin ang mga nakayuko nilang mukha. Walang emosyon. Dumiretso ako sa aking upuan. Pagkaupo ko ay hindi pa din sila umiimik. Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang aking kaibigan na si Jazel ngunit bakit wala siya? Hindi ba siya pumasok ngayon? Ang weird ng mga kinikilos ng mga kaklase ko. Hindi ko na lamang sila pinansin at kinuha na lamang ang aking ce

