Mcdo

366 Words
"Goodmorning Ma'am" bati sa akin ng guard pagkapasok ko Mcdo. Nginitian ko na lamang ito at pinagpatuloy ang paglakad. Natawa ako nang aking makita ang mga nakatayong card sa bawat cashier. "PINAASA LANE" "SWEET PERO WALANG LABEL LANE" "INIWAN LANE" "MARUPOK LANE" Naguluhan ako kung saan ako pipila. Jusko parang lahat ata pipilahan ko ha? Chour HAHAHAHAHA. So pinili ko nalang na pumila kahit 'di ako pinili. Ha? Hakdog. Pumila ako sa INIWAN LANE.  Oo sis! Iniwan ako. Nagc'cellphone ako habang nakapila.  Maya-maya ay may kumalabit sa likod ko. "Miss, it's your turn" Matipid na sabi nito. Napansin ko na ako na pala yung oorder. Sorry naman HAHAHA. Matapos 'kong makapag-order ay nilingon ko si Kuya na nasa likod ko. Grabe sis! Makalaglag panty yung itsura niya! Charot HAHAHA. Matangkad, maputi, matangos ilong, Naka one side yung buhok. Tapos naka-shades.  Nasa loob na nga kami ng Mcdo 'di niya pa hinuhubad salamin niya. Tss. "Yes miss?"  Natauhan ako sa pagtitig sa kanya nang bigla siyang magsalita. Napailing na lamang ako. Tinanggal niya yung salamin niya. Jusko! Ang ganda ng kilay shet! HAHAHA. Tumalikod na lamang ulit ako sa kanya at binayaran ang order ko. Kinuha ko ito at umalis upang maghanap ng upuan. Pogi lang siya, gutom ako. Pake 'ko sa kanya? HAHAHAHAHA. Habang kumakain ako, biglang may nagsalita ulit sa likod ko, "Hey miss, pwedeng maki-share ng table?" Napatingin ako dito. Luh? Siya ulit? Mygad destiny HAHAHA. Tumango na lamang ako dito. Umupo ito sa harapan ko. 'Di ko tuloy masubo ng maayos yung burger kase nakatingin siya. Ang awkward kaya. Ang hirap kayang lumamon kapag may nakatitig sayo duh. Tinaasan ko siya ng kilay, napangiti naman siya. Luh gago. Killer smile mygad! HAHA. "Ang cute mo miss" saad nito sabay tumawa. Tinarayan ko lang 'to. Syempre pakipot muna tayo HAHAHA. 'Di nagtagal, nag-uusap na kame. Kala nyo ha. 'Di naman ako marupok. Konti lang HAHAHAHA. Naging komportable kami sa isa't-isa. Bilis no? Ganon talaga kapag itinadhana hindi yung pinagtagpo lang duh. -- At doon kami nagsimula.  Yes , naging kami, at ikakasal na. Kala nyo ha. May happy ending din kaya sa Mcdo. Ewan ko lang sa Jollibee HAHAHAHAHA. Yan ang aking hapitot. HAHAHAHAHAHAHA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD