Chapter 34 We arrived at the supermarket. Ilang minuto lang ang naging byahe namin dahil hindi rin naman ito kalayuan mula sa kumpanya. Pagbaba ng sasakyan, nagpakarga na naman si Ellie kay Creed. Pagpasok namin sa loob ng supermarket, halos lahat ay binabati kami. Everyone's looking at us. Mababakasan sa kanila ang tuwa, paghanga at kung ano pa. Naunang maglakad sa akin sina Creed at Ellie, nanatili lang ako sa likuran nila habang abalang iginagala ang paningin sa kabuuan ng lugar. Nahinto lang ako nang tumigil din si Creed. Nilingon niya ako at nilapitan. Akala ko kung ano na, iyon pala'y hahawakan niya lang ang kamay ko. Gusto kong tumutol dahil baka kung anong sabihin ng ibang empleyado rito pero mukha namang walang pakialam ang asawa ko. Mukhang naeenjoy pa nga niya ito e. Ang m

