Chapter 19

1706 Words
Chapter 19 Nagising ako nang makarinig ng sunod-sunod na namang doorbell. Inis kong iminulat ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin si Creed, ang himbing himbing ng tulog niya habang nakasiksik sa akin! Hanggang sa pagtulog, chansing. Chansing Ella? E, hinayaan mo ngang may mangyari sa inyo kagabi! Nakagat ko ang ibabang labi nang maalala ang nangyari sa pagitan namin kagabi. Bakit nga ba kami umabot doon? Ang alam ko lang ay nagtatalo kami kagabi, kung paano niyang inisip na magagawa kong magdala ng lalaki rito sa condo niya at gawin 'yong iniisip niya, tch! That's not something I would do! Kapag naaalala ko ay naiinis pa rin ako! Naputol lang ang pagiisip ko nang muli na namang tumunog ang doorbell. Magkakasunod at walang hinto, parang may galit ang taong 'yon ah? Sinubukan kong bumangon pero hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay kumirot na ang p********e ko. Napangiwi ako nang makaramdam ng sakit mula roon. Bwiset kasi si Creed e! Binigla ako! Bigla raw bang ipasok?! Napapikit ako ng mariin, saka niyugyog si Creed. "Creed, wake up!" He groaned. "Why?" tanong niya ang mata ay nakamulat ng pareho. "May nagdodoorbell kanina pa, buksan mo," sabi ko at inginuso ang pinto. He sighed. "Okay, fine," aniya bago tuluyang tumayo. Napatakip pa ako ng mata nang doon pa siya sa harapan ko mismo magsuot ng boxers! Napangisi siya ng sulyapan ako. "Kung umarte ka ay parang hindi mo pa 'to nakita kagabi," natatawa siyang umiling. Naramdaman kong mag-init ang mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin. "Tsk, buksan mo nalang ang pinto, mukhang galit na galit na 'yong taong nasa labas." "He/She can wait," aniya na may nakakalokong ngiti. Lumapit siya sa akin, sa harapan ko na mismo. Humigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa kumot na nakatakip sa dibdib ko! Napakaepal naman kasi! "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" masungit kong tanong. "Kiss muna?" sabi niya at mas lalong inilapit ang mukha sa akin. Bago pa man niya ako mahalikan ay iniharang ko na ang kaliwa kong palad sa kanyang labi. "Magtigil ka!" asik ko. Natawa na naman siya at tinanggal ang palad ko na nakatakip sa labi niya. "Ganda palang tignan ng singsing sa kamay mo 'no?" Dumako sa kaliwa kong kamay ang tingin ko. Bagay na bagay nga sa akin ang singsing! Pero kaagad ding naalis ang atensyon ko roon nang bigla akong halikan ni Creed sa labi! Bago ko pa man siya itulak ay siya na ang kusang lumayo. "Bubuksan ko na po," sabi niya at mabilis na lumabas ng aming silid. Napapikit na naman ako ng mariin saka ginulo ang sariling buhok. Wala na, hindi na ako virgin! Nabalik ako sa realidad nang mapansing kanina pa hindi bumabalik si Creed, sino kaya 'yong dumating? Hirap man ay pinilit kong tumayo, dinampot ko 'yong panty ko na nasa sahig saka 'yon mabilis na isinuot, kinuha ko rin ang pang-itaas ni Creed at 'yon ang sinuot ko, medyo mahaba naman 'yon sa akin kaya ayos lang. Ika-ika akong lumabas ng aming kwarto, hindi ko pa man natutunton ang pintuan ay nakarinig na ako ng usapan. "Creed, please come back to me," dinig kong anang babae. Teka, pamilyar 'yong boses! Si Jaida! Akala ko naman ay tumigil na siya pero ano't nandito siya ngayon? "May asawa na nga ako," sagot ni Creed sa malamig na boses. "Hindi ako naniniwala roon, who knows? Baka naghire ka lang ng kung sinong babae para ipamukha sa akin na kasal kana." Napangiti ako ng mapakla sa narinig. Grabe talaga ang Jaida! Walang balak sumuko, malakas ang fighting spirit! "May asawa na nga ako, here's my ring," sagot na naman ni Creed, nang silipin ko sila mula rito sa pwesto ko ay nakita kong ipinakita ni Creed ang kanyang singsing. Ngumisi si Jaida. "Singsing lang 'yan, I want another proof, kapag naipakita mo sa akin ang babaeng 'yan ngayong mismo, aalis ako." Nakita kong ngumiti si Creed. Sumulyap siya sa gawi ng kwarto namin. "I'll call her then..." Bago pa man makakilos si Creed ay lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko. Nakangiti akong lumapit sa kanila. "No need, nandito na ako," sagot ko at binalingan si Jaida. Hindi siya nakasagot kaya ngumisi ako. Nahuli kong dumako ang tingin niya sa suot ko. "Oh, sorry kakatapos lang kasi namin," sabi ni Creed saka pekeng natawa. Natigilan si Jaida at sunod-sunod na napalunok. "Ano? Titigil kana ba?" tanong ni Creed. "Dito ka ba nakatira?" tanong niya sabay sulyap sa akin, sinuyod niya ng tingin ang paligid ng unit. "Oo, gusto mo pa bang makita ang kwarto namin?" tanong na namang muli ng aking bwiset na asawa, nakangisi pa ang loko! Nako humanda ka talaga sa akin mamaya! Tumango siya kaya pinangunahan na ni Creed, dinala siya nito sa kwarto namin. Napabuntong hininga ako bago sumunod sa kanila, gano'n nalang ang pag-awang ng labi ni Jaida nang makita ang mga saplot namin ni Creed sa sahig. Pinaulanan tuloy ako ng hiya! Bakit naman kasi pati kwarto?! "Oops, hindi pa kasi kami nakapagaayos pasensya," sabi na naman ni Creed sabay sara ng pintuan. Napapikit ako ng mariin dahil doon. "Ilang beses ng may nangyari sa inyo?" tanong niya at sinulyapan kaming pareho ni Creed. Nagkatinginan kaming mag-asawa. Nilapitan ako ni Creed at hinawakan ako sa bewang. Bahagya niya pang pinipisil ang parteng 'yon ng katawan ko. "Gusto mo talagang malaman?" gulat na tanong ni Creed. Natigilan na naman si Jaida saka nag-iwas ng tingin. Maya maya'y sinulyapan niya ang tyan ko. "Kung ilang beses niyo ng ginawa, paniguradong buntis kana," sabi na naman niya at mapaklang ngumiti. Aish, kailan ba siya titigil? Ganito ba siya kabaliw kay Creed? Sinasaktan niya lang ang sarili niya e. "I hope so," sagot ni Creed at marahang hinaplos ang tyan ko. Bwiset ka talaga Creed! Sa isip isip ko'y paulit ulit na kitang namura. "Okay, I'll go now, hindi na ako manggugulo ulit," mahina niyang sinabi saka nakayukong nilisan ang aming yunit. Sinilip ko pa kung nakaalis na talaga siya saka ko binalingan si Creed. "Bwiset ka!" sigaw ko. Bumalik na ako sa aming kwarto, mabilis kong pinagdadampot 'yong mga damit naming nasa sahig. Ipinaglalalagay ko 'yon sa laundry basket. Ang kalat naman kasi! "Hey, galit ka ba?" tanong niya at hinawakan pa ako sa braso. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano sa tingin mo?" "I'm sorry." "Sorry? Babae 'yon Creed, may damdamin din 'yon, sana tinapat mo nalang kasi, pati kwarto really?" "Kaya nga sorry na 'di ba? Success naman e, hindi na siya manggugulo," paliwanag niya sa kalmadong paraan. I just rolled my eyes in disbelief. "Yeah, success kaya sooner or later, magdidivorce na tayo," sabi ko saka lumabas ng kwarto. Naramdaman ko na naman siyang sumunod pero hindi ko nalang pinansin. Nagdire-diretso ako sa kusina saka nagbukas ng ref. Maghahanap nalang ako ng mailuluto kaysa makipagtalo sa kanya. "I can cook for you if you want," sabi niya. "No thanks, bumalik kana sa inyo," walang kagana gana kong sagot. "Is that what you want?" tanong niya. "Ang bumalik ka sa inyo?" "No," maagap niyang sagot. Nangunot ang noo ko saka siya tinignan. "E, ano?" "Gusto mo bang ituloy natin ang divorce?" parang nahihirapan niyang tanong. Natigilan ako at hindi nakapagsalita agad. Napaisip na naman ako. That's our original plan right? Ang magdivorce? Kaya bakit tinatanong niya ako ngayon kung itutuloy pa raw ba namin? Kung sasabihin ko bang hindi, may pag-asa bang magwork kami? Hahayaan niya pa rin ba akong umalis ng bansa at gawin ang mga gusto ko kahit na gano'n? Kasi marami pa akong mga bagay na gustong gawin at kung pag-aasawa ang makahahadlang sa mga 'yon, maghiwalay nalang kami 'di ba? "Iyon naman ang plano natin 'di ba?" tanong ko. Tumango siya. "Oo, pero pwede naman nating huwag ituloy." "Huwag ituloy? Bakit?" Change of plans I see, pero anong dahilan niya? Talaga bang napagisipan niya na itong maigi? "Paano kung gusto ko nalang na manatiling kasal sa 'yo?" Hindi na naman ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kanya, inaalam kung may bakas ba ng pagbibiro sa boses niya pero mukha namang wala. So seryoso siya? I let out a deep sigh. "Creed, hindi ako madaling asawa, I've got so many plans right now, gusto kong magfocus sa goals ko for the mean time." "You can do whatever you want while you're married to me." Gano'n kasimple niyang isinagot. "Aalis ulit ako ng bansa, I'm planning to stay there for a long time, makakaya mo ba 'yon?" "I can go with you." "You can't, nandito ang buhay mo." Hindi ko siya kayang isama dahil nandito ang buhay niya at halos kauuwi niya lang few months ago pagkatapos ay aalis na naman siya? "Then what do you want me to do? Stay here while you're away from me?" Oo...dahil iyon naman talaga ang dapat. Ayoko namang sumama siya sa akin. I mean, ayoko siyang ilayo rito, sa pamilya niya at sa buhay na mayroon siya. "Yes, dahil kung gusto mo talagang manatiling kasal sa akin, hihintayin mo ako, I'm choosing myself this time, love can wait Creed." He sighed. "Kailan mo balak umalis kung gano'n?" Nagkibit-balikat ako. "Next month? I don't know." Pagiisipan ko pa rin naman iyong offer ni Cae, pero ipapaalam ko rin 'yon kay Creed syempre. He's still my husband afterall. He deserves to know. "I'll wait for you no matter how long it takes," sagot niya. Talagang desidido siya? E, hindi ko pa nga alam kung anong nararamdaman niya para sa akin e. "Kaya mo?" mapanghamon kong turan. "Yes, kakayanin ko," sagot niya sabay lapit sa akin. Kakayanin niya ba talaga? Bilang na bilang nalang ang mga lalaking kayang maghintay sa panahon ngayon. Kadalasan, mas pinipili ng maghanap ng iba kaysa maghintay ng napakatagal. "Sige, ikaw ang bahala, pero kapag bumalik ako at hindi mo na nararamdaman 'yang sinabi mo, pwede nating ituloy ang divorce." Para lang naman may choice siya incase. Ayoko rin naman siyang masakal at makulong dito. Ayoko rin siyang mahirapan. Hindi niya naman deserve 'yon. He deserves the best. Umiling siya at inilapit ang labi sa aking pandinig. "That's not going to happen." Sana nga Creed... ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD