"Doc, how is it possible? Buntis siya at ngayon lang na-detect na may breast cancer siya?" ito ang mga tanong ni Az na gumugulo sa isipan niya. Hindi niya kasi lubos maisip na sa isang iglap magkakaroon ng ganoong sakit si Rosalyn. "Actually, Sir. There are some cases na hindi kaagad nada-diagnose ang pasyenteng buntis na may breast cancer dahil ang symptoms nito ay katulad ng signs ng nagbubuntis. All we know they are only pregnant but they don't know that they also have breast cancer. Kaya mas magandang alagaan ninyo ang misis ninyo," paliwanag ng doktor sa kanya. Hindi pa naman ganoon kalala ang sakit ni Rosalyn. Ngunit hindi siya pwedeng magpa-chemo teraphy dahil maaapektuhan ang bata. Alam ni Az na napakadelikado ng lagay ni Rosalyn. Also, it is rare cases. Sa bawat tatlong libong ba

