Makalipas ang ilang linggo ng pananatili ni Belinda sa Pilipinas ay nagdesisyon na siyang lumipad papuntang America. Kasalukuyan silang nasa airport. Maaga ang flight ni Belinda kaya maaga silang umalis ng bahay. Nakiusap siya na sumama si Danica sa paghatid sa kanya sa airport kaya naman magkakasama silang tatlo nina Az na umalis. Kasama rin nila ang ang kasambahay nilang si yaya Meding. Nang makarating sa airport ay panay ang bilin ni Belinda kay yaya Meding habang naglalakad ito. "Oh Meding, yung mga binilin ko sa iyo huwag na huwag mong kakalimutan. Huwag mong pababayaan anh bahay habang wala ako," wika ni Belinda. "Yes señora."tugon naman ni yaya Meding na panay ang tango kada may maririnig na bilin sa amo niya. Nang makarating sila sa arrival area ay saglit tumigil si Belinda at i

