7 years later... "Ate! Gising na!" Ito ang malakas na sigaw na bumulahaw kay Danica mula sa pagkakatulog. Napahampas ang ulo niya sa headboard ng kama sa pagkagulat. Halos mapapikit siya sa sa sakit habang hinihimas ang ulo ngunit sa pagkakataong 'yon ay gising na gising na ang kanyang diwa. "Ano ba Dan? Hindi mo kailangang sumigaw," maktol ni Danica sa kapatid habang inaangat ang sarili sa pagkakahiga. Natatawa naman ang kapatid nito sa nangyari sa kanya na may pangungutyang panduduro sa kanya. Halos sumakit ang tiyan nito sa katatawa. "Eh kasi—eh kasi sabi ni nanay gisingin na raw kita," tutya nito sa kapatid na hindi maituloy ang sasabihin dahil sa halakhak nito. "Nanay gising na si Ate!" Natatawa nitong sigaw habang bumababa sa hagdan. Isang irap naman ang ibinigay ni Danica sa ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


