"Kumusta na kayo ni Az?" Ito ang tanong ni Ma-an na gumugulo sa isipan ni Danica matapos mabalitaan ang nangyari kay Rosalyn. Magkakasama silang tatlo ngayon sa bahay ni Danica. Kumusta na nga ba sila? Okay pa ba sila o mas tamang tanunging kaya pa ba niyang mahalin si Az? "Hindi ko alam, naguguluhan na ako. Pakiramdam ko sasabog na utak ko dahil sa dami ng problema namin ni Az. Dumagdag pa 'tong tatay ni Rosalyn." Lumamlam ang mukha ni Danica. "Bakit? Anong problema sa kanya?" tanong ni Paola. "I don't know, the last time we talk parang sinasabi niya na bigyan ko ng way si Az para mahalin ulit si Rosalyn kasi siya lang ang tanging nakakapagpalakas ng loob ni Rosalyn para lumaban sa sakit," paliwanag ni Danica. Ikinalungkot naman ng dalawa ang mga sinabi nito. Kahit sila ay maguguluhan

