nagpalit lang ng bihisan si Miles at lumabas na rin ito ng silid nila sinundan niya ang asawa .
saan ka pupunta ? tanong niya rito
hindi ito kumibo Tuloy ito sa pagbaba sa Cottage hanggang makarating sa sasakyan pahabol na sumunod si Nadia
saan ka pupunta ? iiwan mo akong mag isa dito ? may bahagyang takot sa tinig niya at nilinga ang buong resort na tila gubat sa dami ng mga puno . at dahil hindi naman bakasyon ay iilan lang marahil ang guest bsa hidden valley
sumakay sa kotse si Miles at ipinasok ang susi sa ignation
kung matapang kang linlangin ako matapang ka rin dapat sa sirkumstansyang sanhi ng ginawa mo Nadia singhal nito sa kanya at ini start ang sasakyan
Asawa mo na ako Miles pahabol niya
Oh yes sweetheart sinabi nito ang endearment sa paraang kasuklam suklam.
oh my mother like you so much you are almost her daughter . And you are now sa pamamagitan ng panlilinlang ninyo ni Mama
she winced. hindi magawang ipagtanggol ang sarili mula sa paratang dahil iyon ang totoo
napapailing si Miles kasabay ng pag tiim ng mga bagang We've been friends Nadia . Ano na nga ang tawag doon ? We've known each other since forever he twisted one corner of his lips as he mocked he
at ni minsan hindi pumasok sa isip ko na magagawa mo akong lokohin
pinatakbo nito ang sasakyan
she bit her lip painfully Ang bitterness sa tinig nito ang higit niyang ininda na Gusto niyang humagulgol ng iyak kaysa sa galit nito
naiwan siyang nag iisa sa estrangherong lugar na iyon hinintay niyang mag balik si Miles ngunit mag uumaga na ay wala parin ito hindi siya halos makatulog sa takot
kinabukasan na ng tanghali bumalik ang asawa na hindi rin siya kinausap at natulog lang
tatlong araw silang nanatili sa resort ngunit sa loob ng panahong iyon ay mapalad na siyang kausapin ni Miles
kung wala ito sa pool ay lumalabas ng resort
kung hindi man ay inuubos nito ang maghapon sa pag tulog
at lahat ng ikinikilos ng asawa ay walang magawa si Nadia kundi ang lihim na umiyak nakadama ng habag sa sarili
ng bumalik sila sa San Ignacio ay wala ang Mommy at Daddy niya alam niyang ngayon ang alis ng ama patungo New Zealand at inihatid ito ng ina sa airport
gusto sana niya ay sa bahay nila sila tumira pansamantala ni Miles ngunit ayaw nito
umupa ito ng apartment na malayo sa subdivision at halis nasa kabilang bahagi na ng San Ignacio
bakit hindi nalang kayo sa bahay ani ni Zeny sa kanyan ng dalawin sila nito siya lang ang naroon at nagliligpit ng mga gamit
ito ang gusto ni Miles Mama aniya
ang laki ng bahay nag iisa lang ako roon pag nasa gasolinahan ang papa mo at ang mommy mo nag iisa na lang rin bakit hindi kayo roon tumira napaka layo naman nitong kinuha niyong apartment
sinusunod ko lang ang gusto ng asawa ko sagot niya na pawisan na sa paglilinis ng bahay mga bagay na hindi noya natutunang gawin ng dalaga siya
magpapadala ako rito ng katulong para may makaka tulong ka nag buntong hininga at inikot nito ang paningin sa dalawang palapag na apartment
dalawa ang silid sa apartment at wariy inaasahan na niya ang gagawin ng asawa
sa kabilang silid ito tumutuloy sa halip na sa kuwartong nakalaan para sa kanila
hindi siya kinakausap nito at mas madalas itong wala
hindi kaba kakain bago umalis . ?
tanong niya ng makitang nakagayak na ito nagluto ako ng paborito mo
wala akong gana sagot nito
Miles --- ngunit bago pa niya masabi ang gustong sabihin ay lumabas na ito
daig pa niya ang walang kasama sa bahay. lahat ng gawain ay siya ang umaayos tulad nalang ng sirang ilaw tubo at kung ano ano pa
Nadia anong ginagawa mo ? ang Mama ni Miles ng dalawin silang muli gulat na gulat ito ng makita ang marumi niyang kamay at mukha
nasira po kasi ung lababo namen nag bara sagot niya na tinutulungan ang biyenan sa mga dala dala nito
Mga groceries yan para sa inyo ani nito
Nag abala pa kayo Mama
bakit ikaw ang gumagawa niyan inilapag niya ang pinamili nito sa mesa
nasaan ba si Miles ?
bakit ikaw ang gumagawa niyan ?
Nasa opisina po
Opisina ? gulat ang matanda Linggo ngayon at sarado ang factory
hindi niya alam ang kung ano ang isasagot sa biyenan
mag uusap kame ng batang Yan
.ma ano ang gusto mong kainin
inilihis niya ang usapan ipagluluto kita
hinalungkat niya ang mga dala ng matanda
huwag na magbihis ka at sa labas na tayo kakain samahan mo ako
bakit sa labas eh may pamamahay naman kame
sabay napalingon ang mag biyenan sa may entrada ng kusina
nakatayo roon si Miles
short update muna po tayo guys salamat po ulit sa bumabasa