hindi na bumalik sa apartment si Nadia ipinahakot na niya sa kanila ang mga gamit anyway iyon naman talaga ang balak niya pagkatapos mag usap nila ni Miles kung hindi nangyari ang pagtatangka ni Arlyn At apat na araw na mula ng mangyari iyon subalit hindi padin nag papakita si Miles sa kanya sinubukan niya itong tawagan sa bahay ng mga biyenan subalit wala ito roon ang laging sinasabi ni Mrs. sta. Romana ay may inaasikasong mahalaganh bagay si Miles na huwag siyang mag alala at datating ang asawa . nalaman din niyang dinala si Arlyn sa ospital sa trinidad at ayon pa kay Mrs sta.romana'y malamang na inilipat na sa psychiatric ward sa National hospital for mental health si Arlyn sa susunod na linggo at walang balita ang mga ito kung nasaan ang mga magulang ng babae sabi ng biyenan

