mabuti naman at dumating kana Miles wika ni Zeny sa anak sa galit na tono
saan kaba galing ? para kang hindi pamilyadong tao pati gawaing pang lalaki ay inaasa mo rito sa Asawa mo
.Ma.... awat ni Nadia sa biyenan kaya ko naman ang gawain at hindi po ako naiinip
O nakita na ninyo mama paismid na sabi ni Miles kaya niya at saka sanay si Nadia sa ginagawa niya Haragan iyan diba at may tapang na gawin ang lahat ng bagay
napayuko si Nadia dahil alam niyang may laman ang huling sinabi ng asawa
miles hindi ko gusto ang ginagawa mong ---- nahinto si Zeny sa sinasabi ng mahagip ang nakikiusap na mga mata ni Nadia. nagpupuyos ang loob nitong nagpaalam at umalis
si Miles ay walang kibong pumanik sa silid nito naiwan siyang nanlulumo ngayon niya labis na pinag sisihan ang pagsang ayon sa plano Ng biyenan
Bakit ang layo layo naman nitong apartment na kinuha niyo tanong ni Pia ng dalawin siya nito Ang laki laki ng bahay nina Miles at ng parents mo bakit umuupa pa kayo
mainam nga at ng natututo kameng maging independent ni Miles napa buntong hininga siya sa mga paulit ulit na katanungan ng mga dumadalaw inilapag niya ang meryenda sa lamesa
kung sa bagay pareho kayong nag iisang anak adventure sa inyo ang pag sisimula tinitingnan nito Ang album ng kanilang kasal
mabuti at naisipan mo akong dalawin dito naupo siya sa katapat na sofa
gusto talaga kitang makita kasi Natigilan isinara ang album
kasi ano untag niya at inabutan ng juice ang kaibigan
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sayo ito pero..... alanganin na tumingin sa kanya
nagtatanong na napatingin siya sa kaibigan. okay pero cool kalang ha
ano ba yon
minsan kasi nagpunta kame ni crisanto sa bagong bukas na burger chain sa trinidad and guess who we saw there si Arlyn at kasama niya si ... Miles
Hindi siya naka kibo kasabay ng pag guhit ng matinding hapdi sa dibidib ay umiwas siya ng tingin
natutunaw na ang yelo ng juice mo baka uminit iyan pabiro niyang sabi
Nadia narinig mo ba ang sabi ko sayo
baka naman kamukha Lang ni Miles pinilit niyang ngumiti
Sana nga Pero binati pa nila kame ang kapal ng Arlyn na iyon
baka nagkataon lang na nagkita ang dalawa roon alam mo namang malapit sa trinidad ang gas station nila Miles pilit na pinakaswal ang sarili
umikot ang mata ni Pia inabot ang baso ng juice at uminom pero timitingnan ng pailalim ang kaibigan at tinitantiya
I am sorry kung nag sisilbing para akong naghahatid ng chismis sayo Nadia wika nito makaraan
Hindi Lang naman kasi tamang makita kung magkasama sina Miles at Arlyn pagkatapos ng ngyari at kakasal Lang ninyo
. isang tango ang isinagot niya at hinawakan sa braso ang kaibigan I'm glad you told me but there's nothing to worry nagkataon lang ang pagkikita nilang un that I'm sure paniniyak niya sa kaibigan niya gayong malayung malayo iyon sa nararamdaman
marahang katok ang ginawa niya bago itinulak ang pinto ng silid ni Miles nasa harap ito ng computer at tila hindi pinapansin ang presensiya niya
Nakita ka raw ni Pia sa trinidad bungad niya sa marahang tinig ni hindi lumingon sa kanya ang asawa
So
at kasama mo si Arlyn lakas loob niyang sabi at napahawak sa doorknob
nagyaya siyang kumain kame sa burger chain sagot muli nito na naka tutok parin ang mata sa ginagawa
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa bale walang pag amin ni Miles Kung nagsinungaling itoy baka pilitin niya ang sariling paniwalaan ito she wanted to hurl angry words pero nag pigil siya
Sana lang kung makikipag kita ka sa kanya iwasan mong makita ka ng kakilala naten nagsimula ng gumaralgal ang tinig niya at namuo ang luha sa mga mata
matalim ang mga matang nilingon siya ni miles wala kameng ginagawang masama bakit kailangan magtago kame
pero iba ang iniisip ng nakaka kita sa inyo
to tell you frankly wala akong pakialam sa iniisip ng iba pero ikaw ang nag iisip ng kung ano ano
Wala akong iniisip na masama alam mo yan he started at her intently nasa mga mata mo ang akusasyon. No he shook his head Hindi ko na alam ang iniisip mo Nadia
from the sweet little girl i used to love you've changed into a scheming b***h i don't think I could trust you anymore
sinikap niyang pigilin ang paghikbi agad na tumalikod bago pa makita ni Miles ang sakit sa mga mata niya ilang oras na siyang nakakalabas subalit nanatiling naka titig sa pinto si Miles he didn't miss the pain in her eyes nka tiim ang mga bagang at isinandig ang katawan sa swivel chair
MAMA ang laki na ng pinagbago ni Miles naiiyak niyang sabi ng magkaharap sila ng biyenan hindi na niya kayang itago ang sakit ng dibidib Mag asawa kame pero magka hiwalay kame ng silid Sa iisang bahay kame nakatira pero daig pa namen ang estranghero hindi ko na makita ang miles na kakilala ko at kaibigan ko.... don't give up on him Nadia ani Zeny ikaw ang asawa at nasayo na si Miles
Mahal parin niya si Arlyn ma napaiyak na siya kung hindi naten pinilit na pakasalan akoy baka kasal na sila
na siyang iniwasan kung mangyari kaya plinano kung mapakasal siya sayo Nadia
we manipulated him at sinasaklawan parin naten ang damdamin niya she sobbed
maaring kapag nag kaanak kayo ni Miles ay magbago ang lahat sagot ni Zeny
napatingin si Nadia sa biyenan nahinto sa pag iyak imposibleng magka anak kame Mama
Hindi imposible dahil mag Asawa naman kayo
mula ng ikasal kame ay hindi pa kame nag tatabi para akong may sakit na nakaka hawa kung iwasan niya may kapaitang sabi niya palabasin nateng buntis ka suhestiyon nito
Hindi maari Ma
bakit hindi maari kaya kayo nakasal ay dahil may nangyari sa inyo diba
ngumiti ang matanda sa panibagong ideya na nasa isip Hija sabihin naten kay miles na buntis ka at mawawala ang pansin niya sa Arlyn na iyon.
Mama ayoko mariing tutol niya lolokohin nanaman ba naten si miles
huminga ito ng malalim iyon lang ang paraan upang mailayo naten siya kay Arlyn
paano kung malaman niyang hindi ako buntis nasa tinig niya ang takot hindi ko alam kung anong gagawin ni Miles
mag asawa kayo at ikaw ang gumawa ng hakbang para magkatotoong buntis ka Kung kailangan gawin mo iyon para huwag masira ang samahan niyo Mahal mo ang anak ko at na bubulagan lamang siya sa Arlyn na iyon
subalit nag paka tanggi tanggi si Nadia hindi niya kayang dagdagan ang kasalanang ginawa niya kay Miles hanggang sa maka alis ang biyenan ay hindi siya nito napasang ayon sa panibagong balAk
MOMMY Gulat niyang sabi ng maiparada ang wrangler jeep sa harapang bahay at makita ang ina na naghihintay roon nagmamadali siyang bumaba
Nadia nakatawang sinalubing siya ni Carina at niyakap
kanina ka pa ba Mommy excited niyang tanong kinuha mula sa sasakyan ang pinamili at inabot ang susi ng gate namili kasi ako nasa office pa si Miles
ten minutes ago sagot ni Carina habang binunuksan ang gate Nadia may kasama ako napalingon siya sa nilingon ng ina at nagulat siya ng makita ang papalapit sa kanila.
hello Nadia nakangiting bati ni harry sa kanya habang lumalapit
napatingin siya sa mommy niya upang humingi ng paliwanag Ako ang nagpilit sa mommy mo na pumunta rito agad na susog ng binata
gusto kulang mangumusta
pumasok na Tayo yaya ni Carina sa dalawa tinulungan siya ni harry na bitbitin ang mga pinamili hindi niya malaman kung paano makiki pag usap sa dating nobyo
malaki ang naging pagkukulang niya rito ni hindi niya ito nagawang tawagan tulad ng binalak niya upang maki pag break ng pormal..
mommy bakit kasama ninyo si Harry tanong niya sa ina ng sumunod ito sa kusina nahihiya ako sa kanya nilingon niya ang sala kung saan naka upo ang binata at tinitingnan ang mga larawan nila sa kasal hindi ako naging fair sa relasyon namen at higit sa kanya
nais ka Lang niyang makumusta at maka usap maginoo at mabait si Harry anak tinanggap niyang hindi kayo para sa isat isa sagot ni Carina
kabutihang asal kung hihingi ka Ng dispensa huli man mag usap na kayo at ako nalang muna rito sa kusina
ngumiti si Harry ng lumabas siya itiniklop ang album
kumusta kana
mabuti
forgive me for saying but you don't look like it parang ang laki ng inihulog ng katawan mo puna nito are you happy with your husband
of course. .... mabilis niyang sagot ngunit iniwas ang mga mata.
harry I'm sorry for what---
naiintindihan ko agap nito hindi siguro talaga tayo oara sa isat isa bahagyang natawa ang binata subalit naroon ang lungkot sa mga mata..
ako ang nanghingi ng pagkakataon na mahalin ako diba Pero Hindi mo nagawa iyon at sinabi ng mommy mo na si Miles ang first love mo na ni hindi mo ito nakalimutan kahit kailan he smiled drily Some guys have all the luck
she smiled guiltily You're a good man Harry kahit sino ay gustong ibigin ka
Pero ang gusto kong ibigin akoy may iniibig ng iba bahaw itong tumawa one life's ironies pagkuway sumeryoso
Nadia basta masaya ka okay na sa akin tandaan mo hindi ako galit sa nangyari okay ng una sumama ang loob ko nasaktan but then natanggap kung hindi mo talaga ako mahal
thank you harry
pinilit ko nga ang mommy mo na samahan ako sayo para maka pag usap tayo at makapag paalam narin bago ako umalis seryosong sabi nito
saan ka pupunta tanong niya
mag aaral muli ako sa amerika sagot nito na nginitian siya masteral noon pa naman ako pinapupunta ng daddy sa states pagka galing ko sa Australia hindi ako pumayag dahil umaasa nga akong magpapakasal tayo
muli ang pagdaloy ng guilt mag iingat ka roon and I'll pray you'll find true happiness
ginagap nito ang isa niyang kamay hindi kita ganoong kadaling makaka limutan wika nito na tinitigan siya
kahit malayo na ako kapag kailangan mo ako huwag kang mag atubiling tawagan ako i am leaving you my address .... friend ?
she smiled through misty eyes friend ...
pareho silang napalingon ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto
nakatingin sa kanila ang kadarating Lang na si Miles
ang mga mata nito ay naka tingin sa kamay niyang hawak ni harry nakatuon
bigla niyang hinila ang kamay sabay tayo tila huling huli siya sa akto na may ginagawang masama
Miles
hindi ko alam na may bisita pala ang asawa ko sarkastikong wika nito na diniinan ang huling salita
Dumalaw si Harry miles kasama niya si mommy she said defensively
lumabas mula sa kusina si Carina ng marinig ang tinig ng manugang
miles nandiyan kana pala naka ngiting bati nito sa manugang
agad ang pagpalit ng mood ni Miles at hinagkan sa pisngi si Carina mabuti at dinalaw ninyo kame ni Nadia mommy
nilapitan siya nito at inakbayan
napa pitlag siya sa simpleng aksyon na iyon ng asawa sa unang pagkakataon mula ng nakasal sila ay noon lang siya nilapitan ng ganoon ni Miles nakaka inip sa bahay na nag iisa miles ani carina na tumingin sa anak
nakaka panibago mas sanay akong wala si Benedict pero hindi ang wala ang baby ko Miles
natawa si Miles sandali ay nasilip ni Nadia ang dating Miles na kilala niya parang totoo ang pakitang giliw nito sa ina
gayundin ang pagtatapon nito ng paminsan minsan
Well mommy hinapit ni Miles ang asawa ang baby niyo'y magiging Mommy nadin may bago na kayong aalagaan ilang buwan mula ngayon
nanlaki ang mata ni Carina at lumipad ang tingin sa anak