"Hindi ikaw, ako ang kinindatan n'ya!"
"Mag-aaway pa ata sila,dahil sa kalokohan mo Triztan." pabulong na sabi ko sa kan'ya. Pero para bang wala lang sa kan'ya ang mga nangyayari. Mas abala ito sa kan'yang kinakain na akala mo ay ilang araw itong hindi pinakain.
"Hoy, hindi ka ba natatakot na baka magrambulan ang mga 'yan?"
Nilunok muna nito ang nginunguya n'ya bago sumagot sa akin. "Hindi, dahil hindi naman natin sila kilala. At isa pa ay hayaan mo sila. Buhay nila 'yan. Kumain na muna tayo. Dahil baka sa kakatanong mo sa akin ay mawalan na lang ako ng gana sa pagkain."
"Wala ka pang gana sa kain mo na 'yan?"
Halos maubos na kasi namin ang inorder na mga pagkain. Ito din ang maganda kapag kasama ko s'ya kahit sa mga eat all you can na kinakainan namin na kailangan ay ubusin ang lahat ng orders. Walang sayang kapag kasama ko s'ya. Dahil ubos kung ubos talaga ang pagkain.
"May gana nga! Kaya ang sabi ko baka mawalan ako ng ganang kumain sa kakatanong mo d'yan. Ikaw din masasayang itong pera." sabi pa nito sabay subo ng kanina at barbeque. At tinakot pa talaga ako.
Matatapos na kami sa aming kinakain ng biglamg lumapit ang mga babae sa mesa namin dalawa. Nasa lima sila at tila may confrontation na mangyayari.
Hindi pa sila napapansin ni Triztan, dahil busy pa ito sa pagsimot ng kan'yang kinakain. Wala talagang sayang ultimo stick ay parang ayaw nitong pakawalan na may lasa pa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako mahihiya sa ginagawa n'ya.
"Miss,may kailangan ba kayo?"tanong ko sa Isa kanila.
"Me'ron, gusto namin tanungin dito sa poging kasama mo kung sino ba ang kinindatan n'ya sa amin? At syempre gusto na din namin alamin ang mga pangalan n'yong dalawa."maarteng sagot ng isa sa akin na para bang gusto na atang kumandong sa akin. Inilalapit na din nito ang kan'yang hinaharap na hindi din naman ako interesado.
"Sandali lang mga miss at tatanungin natin ang kasama ko. S'ya lang din naman kasi ang makakasagot sa mga tanong n'yo na hindi ko naman masasagot. Dahil hindi naman ako ang kumindat sa in'yo. P'wede mo na din ilayo sa akin 'yan. Hindi kasi interesado."magulang ngunit may pagkamasungit na sabi ko sa kanila. Mas maganda na 'yung prangka. Halata naman kasi sa ikinikilos ng mga ito na easy to get na kapag niyaya mo ay agad na sasama. Mga babaeng wala ng respeto sa mga sarili nila. Hindi ganitong klase ng babae ang gugustuhin ko.
"Triztan,sagutin mo nga ang mga babaeng ito."tawag ko dito na ginawa na pa lang toothpick ang stick na may barbeque kanina.
"Alam n'yo mga miss, hindi naman talaga ako kumikindat sa in'yo, sadyang pasaway lang ang maliit na insekto kanina na lapit ng lapit sa aking beautiful eyes!" sabi ni Triztan na nagsasalita na parang bakla sa harapan namin ngayon. Mukhang mapapasubo pa t ako sa isang ito. Tila magpapanggap pa na bakla para malusutan lang ang kalokohan n'ya.
"Eww! Bakla pala 'yan Chezka!" nandidiring sabi ng isa na parang bigla ata ay nawala ang interes kay Triztan na ngayon ay feel na feel na bakla s'ya.
"H'wag n'yo sabihin sa amin na magjowa kayong dalawa?" Umiiling na patanong na sabi ng isa na parang ayaw pa atang maniwala.
"Ay nakuha sissybells! Hindi ka nagkakamali d'yan sinasabi mo! Bakit parang alam na alam n'yo ata. Masyado na ba kaming obvious na dalawa?"
"Yak! Umalis na nga tayo dito girls, nakakadiri. Ang gwapo n'yo pa naman sana. Kaya lang puro pala kayo salot ng lipunan!"
"Wooohh! Makasalot ka naman sa amin Miss! Anong tingin mo sa mga babaeng kagaya n'yo? Pinagpala? Eh! Sa tingin ko mga," tingnan ni Triztan na mapanuri ang mga babaeng nasa harapan namin. At para bang sa uri ng pagkakatingin n'ya sa mga ito ay hinuhusgahan n'ya agad. May pagtaas pa ng kilay na akala mo talaga ay totoong bakla. P'wede ng gumanap sa mga t.v ang isang ito. Dahil kung hindi ko lang ito kaibigan ay baka talagang naniniwala na din akong bakla nga ito. Kuhang-kuha n'ya kasi,mula sa pagsasalita hanggang sa pilantik ng mga kamay nito.
"Anong ibig mong sabihin bakla ka? Iniisip mo ba na mga babaeng bayaran kami na kung kani-kanino na lang pumapatol?" Inis na tanong ng isa na kahit wala naman sinasabi ang kaibigan ko sa kanila ay parang guilty na agad s'ya.
"Sa'yo nanggaling 'yan! Hindi sa akin. May kasabihan nga na kung sino ang unang pumutak, maaring totoo. Sa bibig mo nanggaling 'yan. Tinitigan ka lang naman kita. Pumutak ka agad!"
"Aba! Ang tapang mong bakla ka!"
Akmang sasampalin na sana nito si Triztan,pero agad ko na nasalo ang kamay n'ya. Parang movie ata ang mangyayari ngayon at kailangan na sakyan ko ito.
"Sandali lang Cheeta or Cheka ba ang pangalan mo? Pasensya na hindi ko na kasi matandaan ang pangalan mo. Dahil hindi naman kasi ito kagandahan."
"How dare you! Sino ka para sabihin namaganda ang pangalan ko?"
"Boyfriend ni Trizha, ako ang boyfriend ng babaeng pinagtutulungan n'yo ng mga kaibigan mo. Sinagot naman n'ya ng maayos ang tanong n'yo sa kan'ya na kung sino ba ang kinindatan n'ya. Di ba wala? Dahil nga napuwing lang s'ya! Anong hindi n'yo maintindihan sa paliwanag n'ya? Ganitong klase ba talaga kayo ng mga babae? Wala kayong respeto sa kapwa n'yo. Ni hindi n'yo nga kami pinatapos sa pagkain namin. Tapos ngayon ay sasaktan mo s'ya. Mali na ata 'yan Miss! Mali na manakit ka ng taong wala naman ginagawang masama sa'yo!"dire-diretsong sabi ko dito na hindi man lang s'ya pinagsalita na. Maging ang mga kasama n'ya ay tila napipi na at hindi din makapagsalita.
"Oh! Ano girl, hindi ka na nakapagsalita d'yan? Ang boyfriend ko lang pala ang makakapagtahimik d'yan sa palengkera mong ugali!" sabi ni Triztan.
"B'wisit! Bitawan mo ako!"utos nito sa akin na agad naman ay sinunod ko. Kaya lang napalakas ata ang pagkakawaksi ko ng kamay n'ya. Nawala tuloy ito ng balanse sa katawan n'ya at napasalampak na lang sa sahig.
"Nagtawanan tuloy ang ibang mga kumakain dahil sa nangyari dito na hindi ko naman talaga sinasadya. Lampa lang ata talaga ito kaya natutumba agad.
"Oops! Babe, ang bad mo!"malanding sabi ni Triztan na parang nakaramdam naman ako ng pangingilabot sa way ng pagkakasabi n'ya ng babe sa akin. Parang natural na natural at sanay na sanay s'ya. Kaya ang mga taong nandito na saksi sa mga nangyayari ay paniwalang-paniwala ata sa mga eksena namin.
"Ang swerte naman ni Ate sa boyfriend n'ya! Saan ba makakahanap ng kagaya n'ya?" tanong ng isang beki din sa ibang mesa na nakatingin din sa amin ngayon.
"Tulungan n'yo AKO!" galit na ulit ni Cheta sa mga kaibigan n'ya. Na tinulungan naman ito.
"H'wag na h'wag na kayong magpapakita sa akin!" Sigaw nito bago tuluyan na naglakad palabas ng karinderya.
"Hep!hep! Saan na kayo pupunta? Hindi pa kayo nagbabayad. At umalis lang ako sandali para bumili ng mantika ay gumawa na naman agad kayo ng kaguluhan dito. Hindi na nga kayo makapagbayad sa kinain n'yo. Ang lakas pa ng loob n'yo na magsimula ng away."
Nagtaka kami kung bakit hinarang silang lima ng may-ari ng karinderya. Parang regular costumer pa n'ya ang mga babaeng ito. Or mas tamang term sa kanila ay regular mangungutang. Natawa ako sa aking naisip. May mga ganito pala talagang tao na hindi lumalaban ng patas sa kapwa nila. Kung tutuusin ay mga bata pa ang mga ito na sa tingin ko.ay edad bente pataas.
"Manang, alam n'yo naman po na mahina ang kita namin ngayon. Kaya p'wede na utang na muna ulit."
Mahinang sabi ng isa sa kanila na hiyang hiya na sa pagkompronta sa kanila ng ginang.
"Kayo talaga Chezka, palagi na lang kayong nag-uumpisa ng gulo. Maari ba na sa sunod ay h'wag na nga kayong kakainin dito. Mabuti sana kung lahat ng utang n'yo dito sa maliit ko na karinderya ay nababayaran n'yo agad. Ee, hindi naman,kung wala kayong booking sa mga costumer n'yo ay tengga pa din ang pambayad n'yo sa akin. Mabait ako kung sa mabait,, pero sa mga taong kagaya n'yo ay nauubos din ang pasensya ko."
"Manahimik ka Tanda! Babayaran ka namin agad mamaya. Kaya tama na ang kakaputak mo. Baka gusto mo na maipasara na wala sa oras itong bulok mong karinderya!" matapang at may pagbabanta na sabi ni Cheta. Wala talaga itong galang kahit na sa nakakatanda.
"Tama na 'yan girl,nakakahiya tayo dito. Halika na."pag-aya pa dito ng isa mga kasama n'ya. At dahil malapit lang sila sa amin ay dinig na dinig namin ang usapan nila.
"B'wisit kasi itong matanda na ito."
"Halika na!" Hinila na ito ng tuluyan ng mga kasama n'ya.
"Hay! Mga pasaway talaga! Akala mo kung mga sino!"
Inis na wika pa ng ginang.
"Bro, naiisip mo ba ang naiisip ko?"
"Sa tingin mo?"
"Pasensya na kayo sa kaguluhan na nangyari." Paghingi nito ng paumanhin sa amin.
"Okay lang po."
Sabi ni Triztan dito na nasa acting pa din n'ya.
"Hindi ko man nahalata kanina na binabae ka pala."
Nakangiti na sabi nito sa kaibigan ko. Pati ito ay napaniwala na din.