TWO WEEKS LATER: "Manang, tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis nila señorita at sir DIC." malungkot na sabi ni Lourdes. Pagkatapos na sabihin sa kanila nila ni attorney Palmer ang tungkol sa last will ni Cassandra ay mas ginusto pa din ni DIC na bumalik sa kan'yang trabaho. "Wala naman tayong magagawa kun'di tanggapin ang naging desisyon ng amo natin. Hindi naman natin sila maaring pigilan." "Nakakalungkot lang po Manang, mula ng dumating ako dito ay si señorita Alizhah na ang nakasanayan ko na pagsilbihan. Ano pa ang magiging role ko dito sa mansyon?" "Wala naman sinabi ang mga amo natin na umalis ka,kaya sa tingin ko ay may trabaho kung saan ay maari ka dito sa farm." "Sana nga po, malaking tulong din kasi ang sahod ko dito sa pang-araw-araw namin nila Itay." "Ikaw talaga Lourdes

