"Ninong, nandito po pala kayo." "Good morning, Alizhah!" "Good morning po! Kanina pa ba kayo naghihintay dito?" ganting bati naman nito ganoon din si Triztan. "Hindi naman sobrang tagal." "May kailangan po ba kayo?" Muling tanong ni Alizhah sa kan'yang ninong. "Wala naman, gusto ko lang na makita ka bago tuluyan na umalis." sagot ng ninong nito. "Ganda, diretso ko muna ito sa kotse. Maiwan ko na muna kayo ni attorney."paalam pa ni Triztan sa dalaga. Dahil pakiramdam n'ya ay wala naman s'yang "Sige Kuya." "Hija, h'wag kang magpapasaway sa Uncle mo." "Si Ninong naman,kailan ba ako naging pasaway? At isa pa ay parang ngayon pa lang iniisip ko na kung anung magiging buhay ko sa syudad." "Masasanay ka din d'un. Kapag may kailangan ka ay p'wede mo pa din naman akong tawagan." "Sala

