"Bakit mo naman sinungitan sila Manang?" "Hindi pagsusungit 'yun. Tama naman ako na dapat kahit paano ay magpaalam sila. Paano kung may importante pala kaming kailangan dito na sila ang nakakaalam. Tama lang na paminsan minsan ay nakakagalitan sila." "Sabagay may point ka. Ano ng balak mo?"tanong pa ni Triztan sa kaibigan. "Babalik na sa trabaho ko." "Paano itong farm?" "Sila attorney na muna ang bahala dito. S'ya naman talaga ang naging katuwang noon ni Ate Cassandra para mamahala dito."sagot nito na hindi tumitingin sa kan'yang kaibigan. "Bro,sigurado ka na sa desisyon mo? Alam naman natin na wala ng ibang maaring pumalit sa pwesto ng Ate Cassandra mo dito sa farm. Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa din kung bakit sa ate mo lahat ipinamana ng Dad mo ang lahat ng ari-arian n'yo?"

