CHAPTER:2

1601 Words
Wala na akong inaksaya pa na oras. At kahit gusto pa ata na mag-almusal nitong aking bestfriend ay hindi ko na s'ya palabas ng condo. Nang nasa parking ay agad na sumakay kami sa kotse. Ini-start ko na ito. "Bro, bakit nga pala uuwi ka? Wala ka bang flight?" "May kailangan lang akong alamin." "ANO naman ang aalamin mo?"muling tanong nito. "Si Ate Cassandra." "Oh, anong me'ron sa kan'ya? May problema ba?" "Tumawag sa akin ang family lawyer namin." "Pinapauwi ka na naman ba para sa farm n'yo?' "Hindi!" "Ee, ano?" "Wala na daw si Ate." "O,baka naman kasi napagod lang sa pagma-manage. Baka naman nagbakasyon lang." "Wala na as in patay na daw ang Ate, at ang lintik na bwisit na lawyer na 'yun ay hindi naman sumasagot sa tawag ko." "Anong nangyari sa kan'ya?" "Hindi ko nga alam, wala naman ibang sinabi ang family lawyer namin. Basta tumawag s'ya kanina para ibalita lang sa akin ang nangyari sa ate na hindi ko din kayang paniwalaan. Kaya nga tayo uuwi ngayon para alamin ko ang lahat. At sana lang ay hindi totoo ang kan'yang sinabi." "Paano kung totoo?" "Malalaman ko din 'yan." "Alam mo Bro, minsan kailangan mo din kasi na maging malambot sa'yong pamilya. Ni hindi mo ugali ang mangamusta sa kanila. At ang daddy mo nga ay nagawa mong tikisin. At nang mamatay s'ya ay isang araw ka lang talaga na namalagi sa Santa Fe. Ang araw lang ng libing n'ya. Ni hindi ka nga natulog sa in'yo. Dahil parang kang napapaso sa Santa Fe. Tingnan mo ngayon may nangyari na palang hindi maganda sa kapatid mo. Tapos wala ka man lang kaalam-alam. Ito ang epekto sa'yo ng pagiging sobrang workaholic." Sabi nito na tinatamaan din ako. Dahil totoo naman na puro lamang ako trabaho. "Manahimik ka na nga lang d'yan, ihahanap na lang kita ng mabibilhan ng kape." "H'wag mong ibahin ang usapan natin." "Ayaw ko lang pag-usapan ang tungkol sa kanila. At kaya naman ako uuwi ay para masigurado lamang ang kalagayan ni Ate." "Sabi mo ee! Pero bili muna tayo ng kape. Kagigising ko lang ng tumawag ka, at ni pagkape ay hindi ko na nagawa sa kamamadali na makapunta sa condo mo." "Ang sabihin mo,halos wala kang tulog,dahil sa babae mo!" "Loko ka Bro."natatawang sabi nito na halata mong guilty. "Bakit hindi ba totoong isa sa mga babae mo ang kasama mo kanina?" "Fling ko nga kasi,gawin mo naman sosyal ang tawag sa mga babaneg nagkakandarapa sa gwapong mukha ko na ito na halos lahat na ata ng babae ay nababaliw. Well, hindi ko naman sila masisi kung bakit hinahabol-habol nila ako." "Gwapo? O sadyang babaero ka lang na kahit na kamukha pa ni bakekang ang babae ay papatulan mo!" "Hoy! Grabe ka sa akin DIC, alalahanin mo, bestfriend mo ako, bestfriend! Tapos kung magsalita ka sa akin d'yan. Nakakasakit ka ng damdamin."paawa na sabi n'ya na natatawa na lamang ako. Hindi ko nga alam kung paanong naging matalik na kaibigan ko s'ya. Dahil ang ugali n'ya ay salungat naman sa ugali na me'ron ako. Pero sa lahat ng pagkakataon na kailangan ko naman ito ay palagi s'yang nand'yan at ni minsan ay hindi ako nito pinabayaan. "Hindi bagay sa'yo ang magdrama ng gan'yan! At isa pa hindi ka ba natatakot na magkasakit sa dami ng babaeng ikinakama mo?" "Hindi!" mabilis na sagot n'ya pa. "Paano ka nakakasiguro na walang sakit ang mga babaeng ikinakama mo? ANO ka may detector sa private part nila at nalalaman mo agad?" Tanong ko sa kan'ya. "Bestfriend ba talaga kita? Sa tinagal-tagal natin na magkaibigan ay hindi mo pa din talaga ako kilala." "Ako ang nagtatanong sa'yo, tapos tatanungin mo din ako. Syempre kilala kita, pero hindi naman ako kagaya ng iba na lahat na lang sa buhay ng kaibigan ay panghihimasukan ko. Wala naman akong pakialam kung ilang babae pa ang ikama mo. Ang sa akin lang ay sana hindi ka magkasakit d'yan sa mga babae mo!" "Weeeh! Yun ba talaga ang dahilan? O baka naman may gusto kang aminin sa akin Bro?" "ANO naman ang aaminin ko sa'yo?" Balik tanong ko sa kan'ya. At ang gago ay inilapit lang naman ang kan'yang mukha sa mukha ko. "Anong ginagawa mo? Umalis ka d'yan! Hindi ko makita ang daan!" "Naiilang ka lang sa akin. Willing naman akong makinig kung aamin ka na sa akin. Kaya lang Bro, hindi tayo talo. Pechay ang hanap ko at hindi talong!" Napapreno ako bigla,dahil sa sinabi nito. Iniisip pa ata nito na bakla ako na may gusto sa kan'ya. Hindi n'ya ata maintindihan na nag-aalala lang ako sa sakit na maari n'yang makuha sa mga babaeng ginagalaw n'ya. "Aray ko naman, bakit bigla ka naman pumipreno d'yan? Gan'yan ka ba talaga magselos?" "Gago! Anong selos pinagsasabi mo d'yan?" "Aminin mo na kasi na isa kang paminta." "Anong paminta? Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo. At mali ka ng iniisip! Lalaki ako!" "Tumingin ito sa akin na tila ba hindi naniniwala sa sinasabi ko sa kan'ya. "Tigilan mo ako sa tingin na 'yan. At isa pa ay bakit naman naisip na bakla ako?" "Dahil sa palagi mo akong pinagsasabihan sa mga fling ko." "Bestfriend kita, kaya mahalaga ka sa akin. Pero kung sa mga babae na 'yan ka magiging masaya. Bahala ka! Umayos ka nga ng upo."may inis na Ani ko pa sa kan'ya. Minsan napapaisip na lang din ako kung nasaan ba ang utak ng isang ito. "Okay, sabi mo.'yan na hindi ka bakla. Pero alam mo Bro, malabo kasi talaga na mahawa ako sa kanila. Matalino ata ang bestfriend mo!"nakangiti na may pagmamalaking sabi nito. Napailing na lamang ako. Para bang kapag s'ya ang magiging ka-debate ko ay talagang susuko ako sa ismh ito. Lahat kasi ng aking sasabihin ay talagang may sagot s'ya. Umayos na din naman ito ng kan'yang upo. Kaya nagpukos na ako sa pagmamaneho. Hanggang sa matanaw ko ang isang coffee shop. Ibibili ko na lamang muna s'ya ng kan'yang kape,para naman manahimik na ito. Sobrang hilig din kasi nito sa kape. Baka nga kapag tiningnan ang dugo nito ay kape na ang makikitang dumadaloy sa kan'yang katawan. Huminto ako sandali sa parking area nito. Dahil baka mamaya ay kung anu na naman ang sasabihin Ng isang ito. Baka nga dahil hindi s'ya nakainom ng kape. Kaya kung anu-ano ang tumatakbo sa isip na pati ba naman ako ay pag-iisipan pa talaga nito na bakla. "Ay, salamat at makakapagkape na din sa wakas!" Excited na sabi pa nito na binuksan na ang pinto ng kotse. Ang akala ko ay papasok na ito ng diretso sa loob ng coffee shop pero lumapit s'ya sa bintana at inilahad ang kan'yang palad. "Ano 'yan?" takang tanong ko pa sa kan'ya. "Pambili ko ng kape." "Grabe ka talaga!" "Anong grabe ka d'yan, tama lang naman na sa'yo ako manghingi,dahil ikaw naman ang nagpumilit na samahan kita na umuwi sa bayan mo." "Oh,bilisan mo na." "Salamat Bro, ang bait mo talaga! Pakiss nga!" "Ito gusto mo?" Iniamba ko sa kan'ya ang aking kamao. Dahil ang pasaway ay nakanguso lang naman sa akin. Napatingin tuloy sa amin ang dalawang babae na papasok na sana sa loob ng cafe. Napangiwi pa ang mga ito na iniisip atang may relasyon kami ni Triztan. "Ito naman, hindi ka talaga mabiro." "Bilisan mo na at baka magbago pa ang isip ko!" "Papasok na nga oh!" tumatawang sabi nito sa akin. Parang gusto ko ata na magsisi na isinama ko pa ang isang itong. Parang ngayon pa lang kasi ay puro sakit na ng ulo ang binibigay n'ya. Diretso na nga itong pumasok sa loob at napahawak na lamang ako sa aking sintido. Wala pa din kasi akong maayos na tulog. Halos ilang minuto din ang hinintay ko. Nang makabalik si Triztan ay may dala na itong dalawang kape. "Ang tagal mo naman!" reklamo ko ng makapasok ito sa loob ng kotse. "Ay, malamang kailangan na hintayin ko itong masarap na kape." sagot n'ya at humigop na mula sa baso. "Oh, ito sa'yo! Baka sabihin mo na naman d'yan ay hindi kita naalala man lang na bilhan." "Salamat ah!" sarkastikong wika ko pa. "Welcome bro!" Kinuha ko naman ang kape at humigop ng kaunti. Bumyahe na kaming muli. Nanahimik naman ang aking kasama. Nakatanaw lamang ito sa labas ng bintana. Malayo ang magiging byahe namin. Mas okay sana na mag-commute na lamang. Para less pagod sana. Kaya lang mas gusto ko pa din na dalhin na lang ang kotse. "Alam mo excited akong makita ang lugar kung saan ka lumaki. Nung namatay kasi ang dad mo ay hindi naman ako nakasama ng umuwi ka." Sabi nito na hindi naman nakatingin sa akin. Nasa labas pa din ang tingin nito na para bang ang daming iniisip. "Siguro ang daming magagandang dalaga sa lugar n'yo?" Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nito. Kahit saan talaga magpunta ay palaging babae ang nasa isip n'ya. Ang akala ko pa naman ay may seryoso itong sasabihin. "Hindi ko alam, matagal akong nawala. At halos dalawampung taon din. Kaya halos wala na din akong kilala sa bayan namin."seryosong sagot ko sa kan'ya "Basta excited pa din ako." "Baka mamaya ay mawala yang excitement mo kapag nasa Santa Fe na tayo at mapalitan ng pagkabagot. Alam mo naman ang buhay sa probinsya. Tahimik, hindi kagaya sa Metro Manila." "Mas maganda nga 'yun kahit paano ay makalanghap man lang ng sariwang hangin."sabi nito. Nagpatuloy ako sa aking pagmamaneho at nang dakong tanghali na ay naghanap muna ako ng maari namin na kainan. "Nagugutom na ako." "Alam ko, sandali lang baka may makakainan tayo d'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD