JOSIE NAKAAWANG ang labi ko habang nakatitig sa gamot na tinapakan ng lalaki at mukhang may natirang isang tableta na hindi nadurog. Kinagat ko ang ibabang labi ko at inabot iyon, ngunit agad din naman niyang tinapakan ang kamay ko dahilan para mapa-igik ako sa sakit. Tiningala ko ang lalaki na ngayon ay nakangisi sa akin na akala mo ay demonyong umakyat ng lupa mula sa impyerno. Ano bang problema ng mga ‘to? “Anong karapatan mo para ignorahin ako, babae?” aniya at pinisil ang aking baba at iginiya patagilid. “Hindi na masama, may itsura ka naman pero hindi lang sexy. Pero laman tiyan ka na rin.” Marahas niyang binitawan ang baba ko at malisyosong iginala ang tingin sa kabuuan ko. Nang alisin niya ang paa niya sa kamay ko ay agad kong nakuha ang gamot ni Sancho at pinaloob sa nakakuyo

