NASAKSIHAN NI YNABA PYADGAO ANG SANDALING HINUGOT NI YGBAN ang huling hininga nito. Umaagos ang dugo mula sa ulo ng binata dahil sa paghampas ni Ahyabu Ymian na pinalala pa ng pagsuntok ng sundalong babaril sana kay Pyadgao. Nakahandusay ang katawan nito sa gitna kung saan nagsasagupaan ang mga natitirang Ugjayon at ang mga dayuhang sundalo. Tulalang nakatitig si Pyadgao sa walang buhay na si Ygban. Dinadagsa siya ng napakaraming emosyon at nangunguna doon ang pagsisisi at pang-uusig ng budhi. Hindi niya akalaing ang batang idineklara nilang magiging simbolo ng kadiliman ng tribu ay ang magliligtas sa kanya sa kamatayan. Gusto niyang humingi ng tawad sa kasalanang nagawa niya dito at sa ngalan din ng Ugjayon. Nagkamali siya sa lahat ng kanyang ginawa. Nagkamali siya ng pagsasalin ng mensa

