HULI NA NANG RUMEHISTRO SA ISIP NI JADA ang pagtataka kung bakit sa pinakamataas na palapag ng RY Holdings ang napuntahan niya. Hindi nabanggit ni Jesson kung saang mga palapag ang inookupa ng organisasyon ng Calida. Nang makahakbang siya mula sa elevator ay lalo na siyang nagtaka. Hindi carpeted ang sahig na kahoy kaya nag-e-echo sa buong palapag na iyon ang ingay na ginagawa ng takong ni Jada. Ang inaasahan niyang makita sa palapag na iyon ay ang mga empleyado ng organisasyon na abala sa kaniya-kaniyang gawain. Pero wala ni isang palatandaan na iyon ang Calida, mukhang abandonado ang palapag na iyon kung hindi lang iyon malinis at maliwanag dahil ang buong palapag ay napalilibutan ng salaming dingding kung saan tumatagos ang sikat ng araw. Ang ibang parte ng palapag na hindi naabot n

