PAGKATAPOS NG NANGYARI KAY JADA ay isang buong araw na hindi siya lumabas sa kwartong pinag-iwanan sa kanya ni Dra. Clara. Hindi na siya nito pinilit na bumalik sa tinutuluyang bahay ng mga volunteers na malapit sa kagubatan kaya ipinadala na lamang nito ang mga gamit niya. Nahihiya siya sa abalang ginawa niya sa mga kasamahan lalo na kay Dra. Clara pero palage nitong sinasabi na nauunawaan siya nito. Hindi pa din siya makapaniwala na may taong katulad ni Dra. Clara. Ang mga nakasama niya buong buhay niya ay hindi ganoon ang pagtrato sa kanya. Ang lumang building na kinaroroonan niya na ayon sa doktora ay ang dating opisina ng organisasyon ay abandonado na ang mga unang palapag. Ang ikatlong palapag kung nasaan ang kwarto niya ay nakalaan para sa mga volunteers pero sa ngayon ay ila

