“HOW SOON CAN I START?” excited na tanong ni Jada kay Mariz nang marinig ang sinabi nito. Ayon sa babae ay magaganap sa ibang lugar ang application process ng pagkuha ng organisasyon ng mga full-time responder o empleyado ng Calida. Tyansa na niya iyon para matakasan ang mga taong nagbabanta sa buhay niya. Nabuhayan siya ng pag-asa. Sa halip na sagutin siya nito ay natawa ito at sinubuan siya ng french fries. Sandali lang siyang nailang sa ganoong gesture pero tinanggap din iyon. First time niyang makakain ng french fries. Katunayan ay first time niyang makakain sa isang eatery. Sa bahay ni Ambrose ay may sarili siyang dietician na naniniguradong masusustansyang pagkain lang ang kakainin niya. Pati sa kung anong kakainin ay wala siyang karapatang mag-desisyon dati. “Selos naman ako niy

