ILANG SEGUNDO LANG NA nawalan ng malay si Jada. Inaasahan niyang masasaktan nang hindi niya makontrol ang pagbagsak ng katawan pero hindi iyon nangyari. May sumalo sa pagbagsak niya at naramdaman niya ang paghapit sa kanya ng kung sino bago siya buhatin. Sinubukan ni Jada na aninagin kung sino man iyon pero wala siyang makita, pakiramdam niya tuloy ay lumulutang siya sa hangin. Nangaligkig siya sa lamig. Hindi dahil sa hangin kundi sa lamig na bumalot sa kanya dahil sa mga bisig na nakasalo sa kanya. “Sebastian…” hindi niya ito nakikita pero sigurado siya roon. Naramdaman niya ang paghinto nito sa paglalakad. Kahit nahihilo ay may gustong sumigaw na bahagi niya na dapat siyang mangamba. Dahil kung hawak siya nito ay hindi niya alam ang gagawin nito sa kanya, baka gamitin nito ang pag

