NAPA-ARKO ANG KATAWAN NI JADA nang sandaling lumapat ang malamig na kamay sa likod niya. Ramdam na ramdam niya ang magaspang na daliri at malamig na palad nito dahil sa kahubadan niya. Nawala ang kamay sa likod niya at napabuntong-hininga siya sa panghihinayang. Sinikap na malayang igalaw ang katawan, ineengganyo ang kung anuman na muli siyang hawakan. Wala siyang makita pero mas dumoble ang lakas ng pakiramdam niya, tumutugon ang mga balahibo niya sa katawan sa papalapit na kalamigan. Napigil niya ang hininga sa antisipasyon. Lumulutang ang h***d niyang katawan sa ere, hindi mapakali, hindi alam kung ano ang inaabangan, ang pagsabog ng init sa loob niya o ang muling pagdikit ng malamig na nilalang. Nang muling bumalik ang malalamig na mga kamay ay lumapat ang mga iyon sa magkabilang b

