HINDI SUMALO SA KANYA SI SEBASTIAN noong tanghalian pati na rin sa merienda. Hindi niya na din inalam kung saan ito pumunta kanina. Isang oras bago bumaba ang araw ay itinigil na ni Jada ang ginagawa kahit hindi pa niya lahat naililipat ang mga aklat, dokumento at photo albums. Pakiramdam niya ay hihiwalay na ang mga braso at mga binti niya sa sobrang pagod. Mukhang hindi rin naman interesado si Sebastian kung matapos niya ang ginagawa o hindi. At kung gusto niyang paghandaan ang mga physical exercise na tinutukoy nito ay kailangan niyang magtira ng lakas para bukas. Lumabas si Jada sa balkonahe at binagsak ang pagod na katawan sa lounge chair. Nasa likod iyon ng bahay na nakatanaw sa mapunong bahagi ng lugar na iyon. Gusto pa sana niyang pagsawain ang paningin sa magandang paligid nan

