Enzo’s POV Agad na dumating si Sheena dala-dala ang isang plato ng dessert na ginawa ni Tiya Felisa. Napatingin ako dito upang suriin kung ano ang ginawa niyang ito. “Alam mo masarap yung ginawa ni Tiya Felisa na dessert,” sambit niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya na masaya lang kumakain. “Ano’ng lasa patikim,” sambit ko. Inabot niya sa akin ang plato upang bigyan ako ng desset pero agad ko itong tinabig ito. “Subuan mo na lang ako, ahh,” sambit ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko sa kaniya. “Ano ba naman ‘yan Enzo, ano hindi ka na marunong kumain?” inis niyang tanong. “Bilis na minsan lang eh,” paglalambing ko. Napairap naman siya sabay kumuha ng isang kutsara na letche flan sabay sinubo sa akin na walang paglalambing. “Okay na ba?” seryoso ni

