Enzo’s POV Nanatili lang siyang nakatingin sa akin dahil sa sinabi ko sa kaniya. Napahinga ako ng malalim sabay napalayo sa kaniya. “Kaso sayang eh, meron pa kasi akong contract na hindi pa na-te-terminate kaya bawal pa akong mahulog,” nakangiti kong sabi sa kaniya. Napahinga naman siya ng malalim sabay napatingin sa akin. “Okay lang naman iyon, hindi naman ako mahuhulog sa iyo kaya safe ka sa akin,” seryoso niyang sabi sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniyang sinabi sabay tumabi sa kaniya. “Sige sabi mo eh,” nakangiti kong sabi. “Tara na, kanina mo pa ako pinagti-trip-an eh,” seryoso niyang sabi sabay lakad papalayo sa akin. Sumunod na lang ako sa kaniya sa paglalakad dahil hindi ko din naman alam kung ano ang lugar na pupuntahan naming dalawa. While walking, sobra akong nak

