Sheena's POV Nauuna akong maglakad patungo sa itaas kung saan kami pupunta ni Enzo. Hindi ko na nagawa pang tumingin pa sa kaniya pabalik dahil sa mga nangyari kanina. We almost kissed, again, hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili ko sa mga ganitong bagay. The heck, bakit ba kasi laging mixed signals na lang ang binibigay sa akin ni Enzo. There is a part of me na pakiramdam ko meron din siyang gusto sa akin but suddenly biglang mawawala dahil lagi namang biro sa kaniya yung sinasabi niya eh. “May kasama ka din sa likod, alam mo ba ‘yon?” sambit niya. Napatigil ako sa paglalakad ko at tumingin sa kaniya. “Bakit kasi ang bagal mong maglakad?” tanong ko sa kaniya. “Wala ang ganda kasi ng view ko dito eh,” sambit niya. Napatingin naman ako sa harapan ko upang tign

