Enzo’s POV Napahinto lang ako sabay napatitig sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito pero iba talaga ang nararamdaman ko sa mga oras na ito lalo na nung sinabi niya ang mga bagay na iyon. “Why are you saying that things to me?” tanong ko sa kaniya. Napatigil naman siya dahil sa aking tanong sa kaniya. “Uhm, wala maybe I’m considering your offer about the friendship, siguro madami lang talaga akong iniisip pero pwede naman simulant hindi ba?” sambit niya sa akin. Napatigil ako dahil sa kaniyang sinabi sa akin. I didn’t know na aabot sa time na babalik kami sa umpisa. “Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya. “Matagal na din naman iyon at sa maiksing oras na nagkasama tayo I realize something den,” sambit niya sa akin. Napaghinga ako n

