Enzo’s POV
Nakahiga lang ako sa aking higaan habang nakatingin sa kisame ng aking kuwarto. Matagal na din simula nang mangyari ang pangyayaring iyon, gusto kong ituloy ang pagiging artista ngunit dahil lang sa nadamay ako sa pagkakamali ng isang artista na katrabaho ko isa din ako sa mga taong kinagalitan ng mga tao.
From being a child star to a teenager star at bigla na lang nawala dahil lang sa pagkakamaling iyon. Sa ilang taon na lumipas, humupa na din ang galit ng mga tao at doon na din nagsimulang mawala ang pangalan ko sa kanilang lahat. Nagpapasalamat na din ako na hindi ganon na-expose sila Mom at Dad sa showbiz dahil maaaring ito din ang magiging dahilan kung bakit babagsak ang business namin.
Buong buhay ko siguro lagi na lang akong nakikita sa television at laging iibahin ang karakter ko para buhayin ang isang fictional character na sinulat nang mga writer. Hindi ko alam na nami-miss ko na din pala ang ganong buhay pero ayos lang din sa akin ang buhay na hindi masyadong expose sa media upang wala ng tao ang makialam sa buhay ko.
Pero ito lang din naman ang pinaka gusto ko sa buhay ko, yung tahimik, ako lang yung mag-isa at walang iniisip na iba. Sabi nila Dad sa akin nung bata pa ako na lagi akong makipagkaibigan sa iba pero bumalik lang din sa dati ang ugali ko na gusto kong mapag-isa dahil ayaw ko na din makarinig ng kung ano-ano’ng sasabihin ng tao tungkol sa akin. Siguro pahinga na lang din sa akin ito dahil ang tagal ko din naging artista baka isa itong paraan para makapagpahinga ako sa ginagawa ko.
Simula nang mawala ako sa showbiz, dito ko nagustuhan na maging isang normal na bata. Matagal na din na hindi ko nararanasan na lumabas sa bahay ng hindi na kailangan mag tago para lang walang makatago sa lahat ng tao.
Maya-maya ay biglang may kumatok sa aking pintuan. Pinatay ko ang music sa aking cellphone, napatayo ako sa aking kama at napatingin sa aking pintuan.
“Kuya Enzo, kumain na tayo,” sambit ng kapatid kong si Sofia. Napapikit na lang ako sabay tanggal nang earphones na nakasaksak sa aking tenga.
“Okay, lalabas na,” sambit ko sa kaniya. Napatayo ako sa aking kama at naglakad palabas nang aking kuwarto. Paglabas ko nakita ko naman ang kapatid ko na nakangiti sa akin.
“Buti naman lumabas ka na, kanina ka pa hinahanap nila Dad eh,” saad niya sa akin.
“Oo nga pala Kuya, pwede mo ba ako samahan sa mall mamaya?” tanong niya sa akin.
“Ayaw ko,” sambit ko lang sa kaniya sabay baba sa hagdan.
“Kuya naman eh, bilis na sabado ngayon eh ayaw sumama ng mga kaibigan ko,” saad niya sa akin. Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa aking mga narinig sa kaniya.
“Enzo, Sofia ano na naman yan?” rinig namin na boses ni Mom. Napatingin ako sa kaniya sabay sinindak siya ng aking paningin. Kilala ko na siya dahil sa oras na meron akong mga bagay na hindi niya gusto lagi na lang niya sinusumbong kay Mom.
“Mom, si Kuya ayaw akong samahan sa mall,” saad niya. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napatingin sa kaniya.
“Ikaw talaga napaka sumbongera mo,” sambit ko sa kaniya.
“Enzo, Sofia ang aga-aga away na naman kayo,” biglang saad ni Dad sa aming gilid.
“Good morning Dad,” masayang bati ni Sofia kay Dad. Agad naman sinalubong ng yakap ni Dad si Sofia bilang pagbati sa umaga.
“Morning Dad,” saad ko sa kaniya sabay lakad papunta sa dining area.
“Morning Mom,” sambit ko naman kay Mom habang papasok sa loob ng dining area.
“Good morning,” nakangiti niyang sabi sa akin, “Oo nga pala Ethan, yung secretary mo nag-email sa ‘yo about sa update ng products ninyo,” sambit naman ni Mom kay Dad.
“Sige check ko na lang mamaya,” saad ni Dad.
“Mom, pwede mo ba akong samahan sa mall?” tanong naman ni Sofia, “ayaw kasi ni Kuya eh,” dagdag niya.
“Sofia alam mo naman na may trabaho kami diba sa Kuya mo na lang ikaw magpasama,” nakangiting sabi ni Mom sa kaniya. Napapikit na lang ako dahil sa sinabi ni Mom sabay napatingin ng masama kay Sofia.
“Enzo, nakita ko ‘yon,” saad ni Dad.
“Buti nga sa ‘yo,” saad ni Sofia sabay dila. Tinignan ko na lang siya ng masama dahil sa pang-aasar niya.
“Enzo, Sofia, ang tatanda ninyo na nag-aaway pa din kayo, Manang-mana talaga kayo sa ama ninyo,” saad ni Mom kay Dad. Napatawa naman ako dahil sa kaniyang sinabi.
“Oh, bakit naman sa akin napunta?” tanong ni Dad, “ang tahimik ko lang dito tapos nadadamay na agad ako,” saad ni Dad sa kay Mom.
“Totoo naman talaga Ethan, sa mga kapatid mo lalo na kay Kenneth lagi mo na lang inaaway kahit walang ginagawa,” wika ni Mom.
“Opo Dad, tapos lagi ka din pikon tuloy hindi lang mukha mo yung nakuha ni Kuya pati yung pagkapikon mo,” saad ni Sofia sa amin. Napatingin naman kami ni Dad sa kaniya ng sabay dahil sa kaniyang sinabi.
“Tigilan mo ako ah,” sabay naming sambit ni Dad. Nagtawanan naman sila Mom dahil sa sabay naming response ni Dad.
“Tama nga naman siya,” saad ni Mom. Napayuko na lang ako sabay napahawak sa aking ulo dahil sa pangpipikon na ginagawa ni Sofia sa akin.
“Oo nga pala Enzo,” tawag ni Mom. Napatingin ako kay Mom upang malaman ko ang kaniyang sasabihin.
“Nag-text sa akin ang management kanina ang sabi hindi mo daw pinapansin ang emails nila sa ‘yo,” saad ni Mom sa akin. Napahinga naman ako ng malalim sabay napayuko.
“Mom lagi naman nila kasing sinasabi sa akin na bumalik ako sa pag-aartista,” saad ko sa kaniya, “wala ng bago lagi na lang ganon ayaw ko munang bumalik sa showbiz kasi gusto ko munang pribado ang buhay ko,” dagdag ko. Pero ang isang dahilan lang naman doon ay ayaw ko munang makarinig nang kung ano-ano’ng sinasabi nang mga tao.
“Pero matagal ka ng wala sa showbiz,” sambit ni Mom sa akin.
“Mom, matagal din naman akong nasa showbiz,” saad ko sa kaniya. Napahinga na lang siya sa akin sabay kumuha ng pagkain.
“Pero diba ang contract mo may natitira pang limang taon?” saad ni Mom sa akin, “Hindi ka pwedeng basta-basta dahil pwede kang makasuhan isa pa magbabayad tayo ng malaki sa contract termination niyan kapag hindi malinis ang pag-alis mo,” wika ni Mom sa akin.
“Mom, alam ko naman iyon pero ayaw ko munang bumalik sapag-aartista,” saad ko sa kaniya, “gusto ko muna na umalis sa ganong lifestyle.”
“Okay fine, sasabihin ko na lang sa kanila, pero babalik ka pa ba?” tanong ni Mom sa akin.
“Pag-iisipan ko po,” saad ko sa kaniya.