Inabutan niya sa morgue ang katawan ng asawa subalit hindi niya na iyon nagawang tingnan o buksan. Pakiramdam niya hindi niya kakayaning makita ang hitsura nito matapos ang insedenteng iyon. Hinang-hina ang katawan niya, alam niya na wala na siyang kawala sa kung sino mang may hawak sa kanyang buhay ngayon. Ang inaasahan niya na lang ay ang mahuli ng mga pulis, baka sa kulungan ay hindi na niya magawang makapatay pa ng kung sino. Subalit hindi ganoon ang nangyari, ni katiting na suspetsa ay wala siyang natanggap. Marami daw ibedensiya na wala siya sa tabi ng asawa ng mangyari ang krimen, nagpakita pa sila ng ilang cctv footage na nasa isang casino siya at nagsusugal ng mga oras na mapatay ito. Bukod pa roon ay may kusang loob din na sumuko at umamin para sa kasalanang alam ni Ponciano na

