Sa bungad pa lang ng malaking pintuan ay kakaiba na ang kislap ng mata ni Matias. Nakakatakot ang mga ngising sumilay sa kanyang labi. "Matias, naparito ka. Kamusta na ang mag-ina mo?" Malakas na tanong ni Amias mula sa trono nito. Umalingawngaw sa mahabang aile ang kanyang tinig dahil nasa bungad lamang si Matias at matamang nakatingin sa kanya. "May hihilingin ka bang iba? Kung kaya ko ay ipagkakaloob ko sa'yo." Pero hindi kumibo si Matias. Saka naman lumabas mula sa likuran niya si Higantatay. Hingal at tila may kabado. "M-matias, ikaw ba yan?" Naguguluhang tanong niya sa kaibigan. Pero hindu kumibo ang lalaki. "Anong ibig mong sabihin, Higantatay?" Alarmang tanong din ni Amias. Nagsisimula na rin siyang kabahan sa kakaibang ikinikilos ni Matias. "Matias, magsalita ka!" Maotoridad

