K A B A N A T A 68: Patuloy na umaagos ang malamig na tubig sa aking mukha habang naiisip ko ang tagpo kanina pagkarating namin. Daddy called Grimore, hindi ako pwedeng magkamali, tama ang pangalan narinig kong binigkas ni Grimore pero mas lalo akong naguluhan. Pakiramdam ko ba ay pinaglalaruan na ako ng lahat ng nakapaligid sa akin. May hindi ba ako alam? Mariin akong pumikit habang nasa ilalim ng shower. Hindi ko na narinig pa ang pag-uusap nila ni Daddy dahil tuluyan na siyang lumayo sa amin, hinila naman ni Uno ang anak ko sa kusina para kumain ng miryenda kaya umakyat na ako para maligo saglit. Sigurado akong abala na sa ibaba mamaya para sa gaganapin handaan. Inis na sinuklay ko ang aking nakalugay na buhok saka pinatay ang shower, hinampas ko ang tiles sa sobrang inis. I feel

